ISANG buwan na sila sa bansa ngunit panay pa rin ang titig ni Blackie sa painting na nakasabit sa kanyang silid. Hindi pa rin siya makapaniwala na basta lang binigay sa kanya ni Janeth ang Nude Painting niya. Umuwi sila ng Pilipinas, nang napapayag niya si Janeth. Sa bansa sila mag-spend ng ilang buwan pahinga nito. Sa summer ay babalik sila ng Rome, upang ipagpatuloy ang pagpipinta nito. Sa penthouse sila ni Blackie tumuloy, habang naririto sila sa bansa ay doon daw sila titira. Hindi naman nag reklamo si Janeth at sinunod niya ang setup na gusto ng binata. “Kailan ang plano nyong magpakasal?” Tanong ng ama kay Blackie, nang umagang dumating sila sa mansyon ng mga magulang. Kasalukuyan naroon ang mga ito sa lanai at doon nag pahatid ng breakfast. “Soon po, daddy, kaya nga kami umuwi d