NAGISING Si Janeth, iba ang paligid. Naroon siya sa malawak na silid puro salamin ang wall. Kaya mabilis na bumangon ng mapag masdan ang kabuuan ng lugar. Maraming red petals sa kama ganun din sa sahig at may naglalakihang orchid sa gilid ng wall. Pagsulyap niya sa kabilang side ng glass wall ay kita niya ang mga pulang balloons. Kaya tumayo na siya ngunit nanlalaki ang mga mata ng makita kung ano ang nasa daliri niya. Ilang beses pa siyang kumurap baka sakaling hallucination lang niya ang nakikita. Pero totoo iyon ng hawakan niya, isang white gold diamond ring ang nakasuot sa kanyang daliri. Luminga siya sa paligid at hinanap si Blackie pero wala ang binata. Kaya naglakad siya palapit sa glass wall. Ilang segundo siyang nakatayo doon ng maramdmaan may yumakap sa likuran niya. “Baby