PAGKARATING ni Janeth sa kanyang accommodation. Dumeretso agad sa mini-kitchen. Naghahanap siya ng maaaring lutuin. Pagkatapos ng mga nangyayari ngayon lang siya nakaramdam ng matinding gutom. Tanging cup noodles ang nakita niya sa cupboard. Dinampot yon at agad nagpainit ng tubig. Pakiramdam niya ay ilang araw na siyang hindi kumain. Nanghihina ang mga tuhod at hindi na maganda ang paningin. Nakarinig siya ng nag door bell. Hindi niya iyon pinapansin dahil sa ginagawa niya. Ngunit ayaw tumigil sa pag iingay. Kaya pansamantalang iniwan ang niluluto. Binuksan niya kung sinuman ang naroon sa labas ng pinto. Napaatras siya ng makita si Blackie. Akmang isasara iyon ng mabilis na nakapasok ito sa loob. “Sumabay ka na sa akin pabalik ng Milan. Maiiwan dito ang pinsan kong si Davin dahil may