KASAMA na ang bakasyon nagtagal si Janeth sa Rome ng dalawang linggo. At sa mga araw na yon ay naghahanap na rin siya ng magandang spot para sa pagpipinta niya. Tatlo ang lugar na kumuha sa kanyang atensyon. Pero ang pina reserved niya para sa buong summer ay ang pinakamataas na lugar. May overlooking din at sa gabi pwede siyang magtungo sa bar. O kaya naman kapag nais niyang pumunta sa mga Coffee shop. Bukas na ang balik niya pabalik ng Milan. Kaya inubos na niya ang mga ora na naroon siya. Tanghali pa lamang ay nasa park na siya. Meron siyang dalang mga canvas at naupo sa gilid. Nag simula siyang gumuhit mula sa mga nakikita niya sa paligid. Isang lalaki ang kumuha sa kanyang atensyon. Sinimulan niya ng iguhit ito. Nakahiga ang lalaki sa damuhan habang nakatitig sa kalawakan. Hab