NAGPATULOY ang pagguhit ni Janeth, nais niyang tapusin iyon kahit nahihirapan siya. Nawala siya sa focus magmula ng tanghaling nagtalo sila ni Blackie. Ang sakit sa dibdib niya ay nananatiling naroroon. Bagamat kaya na niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Sinadya niyang maging busy sa araw-araw upang makaiwas kay Blackie. Dati isang canvas lang ang nasa harap niya pero ngayon ay dalawa. “Kumain ka sa tamang oras dahil lahat ng ginagawa mong yan ay mawawalan ng saysay kapag nagkasakit ka.” Narinig niya ng pahayag ni Blackie. “Pakilagay mo lang diyan at maya maya ay kakainin ko rin yan. Tinatapos ko lang itong ginagawa ko.” Wala ng sagot mula kay Blackie kaya hinayaan na lang din niya ito. FULLY recovered na si Janeth sa nangyaring pag baril sa kanya ng tauhan ni Senyor Muller. Ngunit