MALAKAS ang bulong bulungan ng mga empleyado sa loob ng departamento. Dahil iyon sa pagbaba sa pwesto ni Ms. Rachelle. Ang lahat ay hindi makapaniwala na halos kapantay ng mga ordinaryong empleyado na lamang ito. At hindi iyon matanggap ng dalaga kaya nagpupumilit itong pumasok sa chairman’s office. Nais daw nitong kausapin ang chairman, sa anong dahilan bakit biglang napunta sa pinaka mababang pwedto ang dalaga. “Anong desisyon mo, kanina pa naroon sa pintuan si Ms. Rachelle.” “Don’t mind her, let’s go!” Magkasunod na lumabas ng chairman’s office si Gray hamm at Remo ll. Sinadyang dumistansya sa kanya ng bodyguard niya. Nang makita siya ni Ms. Rachelle ay biglang naging mabalasik ang mukha nito. Sinugod siya nito at akmang sasampalin ng mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. “Don