MABILIS nag-type sa kanyang cellphone si Gray hamm. Kailangan niya ang tulong ni Remo ll. Saan nga ba niya dadalhin ang dalaga? Naroon sila sa isang boutique pinapamili ng damit si Ciarrah. Kaninang nais nitong umuwi muna sa bahay nito ay hindi niya pinayagan. Kung magpapalit lamang pala ng damit kaya dinala na lang niya dito. At habang nasa fitting room ang dalaga ay kausap sa text messages ang kanyang bodyguard. “Mr. Gray hamm, okay na ako.” pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Talagang napakaganda nito, kahit yata ano ang isuot ay bagay dito. Ngunit nagtaka siya kung nasaan ang ibang pinili niya para dito. “Nasaan pala yung ibang kinuha ko?” “Tama na ito, marami akong damit sa bahay.” napapaisip si Ciarrah, bakit parang masyado siyang nagtitiwala sa lalaking ito. Kahit