NAKALABAS na ng ospital si Ciarrah, pero hindi siya pinayagan ni Gray hamm, pumasok sa opisina. Naririto din siya sa mansyon ng parents ng binata. Kasama niya ang ina ng binata at panay kwento sa kanya. Alam niyang nilibang siya nito upang mawala sa isipan ang mga nangyari. Dinala pa nito ang mga lumang album at ipinakita sa kanya. Kung gaano kapayat dati si Gray hamm. Mga stolen shots ng binata noong teenager pa lamang ito. Hindi niya mapigilan matawa lalo na at sa triplets ay si Gray hamm ang bungi. Ayon pa kay Tita Roseanne, elementary na si Gray hamm, dumidede pa ito. May baon sa bag na gatas at laging tulog sa class room. Bubuhatin lang ni Tito Matteo, kapag uwian na dahil tulog pa rin. Ayaw pa nga daw itong tanggapin ng teacher dahil dumidede pa. Kaya lang ang dalawang kapatid