HINDI malaman ni Gray hamm, kung paano sasabihin kay Ciarrah ang tunay na kalagayan ng ama nito. Sigurado kapag nalaman ng dalaga na poison at hindi sakit ang dinaramdam ni Mr. Santiago. Nakakasiguro siyang susugurin nito si Rachelle. At baka maging sanhi pa ng kapahamakan ng unborn baby nila. Instead, gumawa siya ng mabilisang imbestigasyon. Walang kahit sino ang nakakaalam na isang assassin ang biniyaran niya. Upang pasukin ang loob ng bahay ni Mr. Santiago. Tatlong araw lang ang binigay niya at ngayon ang ikatlong araw na yon. Palakad lakad siya sa gilid ng pool. Dito niya hinihintay ang taong inutusan niya. Mas mabuti na walang makaalam ng resulta sa imbestigasyon. “Master Gray hamm, nariyan na po ang hinihintay mo.” “Papasukin mo siya at sabihin dito dumeretso. Paki dalhan din k