WALA isa man ang tumawag ng pulis. Dinala sa basement ang pinuno ng grupo pagkatapos ang mga tauhan nito ay kinuha ng ibang Montemayor kasama ang ilan sa mga pinsan ni Roseanne. Habang nakatitig si Matteo sa asawa hindi niya makalimutan ang nakita. Ang ginawang pagtalon nito sa mataas na wall at ang bilis ng mga kilos nito. Lalo na ng humarap sa grupo ng mga armado. Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit tatlong taon din nawala si Roseanne. Kagaya niya ay pumasok ito sa training. Nang tumalikod ang asawa at bumalik sa karamihan ng taong nakikiramay. Naiwan ang ibang Montemayor at Del Fierro. Nakasuot ng mask at cap si Matteo kagaya ng laging suot ni Mattias. Pinuntahan niya ang lalaking pinuno raw ng grupo. Hindi nagdadalawang isip na pakawalan ang magkasunod na suntok. Pagkatapos ay t