MATAPOS ang ika-apatnapung-araw ng pagkamatay ni Senyor Rodolfo Montejo. Nagkaroon ng bulong bulungan sa head office kung sino ang bagong uupo na chairman. Pero hindi interesado si Matteo sa mga bali-balita. Ang tanging mahalaga sa kanya ay hawak na niya ang control ng Montejo Empire. “Bakit hindi ka pupunta sa mahalagang conference ano ang dahilan mo?” tanong ni Roseanne kay Matteo. Ngunit umiling lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi siya nakatiis at sumulyap sa laptop na pinagkakaabalahan nito. “Ano ba yan ginagawa mo mas mahalaga pa para unahin mo?” “Aalis tayo kaya mabuti pa ay mag-prepare ka na. Ilang araw tayong mag-stay doon, o baka abutan pa ng isang linggo. Depende kung magugustuhan mo ang lugar. Baka kahit isang buwan o higit pa.” ani pa ni Matteo. Talagang nagdesisyon