Rhodora "Alright... Okay na siguro 'yan." Bahagya na siyang lumayo mula sa akin hawak pa rin ang tuwalya. "Salamat po, Tito Sky." Hiyang-hiya naman ako sa ginawa niya. "Get some rest now." "Eh... s-saan po kayo matutulog?" "I still have work to do. I’ll take a quick nap on the sofa. Malapad naman 'yon, kasya na ako do'n." "Pasensiya na po ulit." "It’s alright. Don’t think about it." "Naiisip ko po ang pamilya ko. Siguradong nag-aalala na sila sa akin at siguradong hinahanap na rin nila ako ngayon." "Don’t worry about it. I’ll take care of it." "Salamat po ulit, Tito." "Get some sleep now. I’m heading out." Tumango na lamang ako at humiga na rin. Muli na siyang tumalikod. Pinatay muna niya ang ilaw sa kisame bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto. Nakulong na ako sa kad