Rhodora Dinala niya ako sa isang bahay na hindi pamilyar sa akin. Nasa kabilang barangay din ito—may kalayuan. Isinakay niya ako kanina sa isang itim na kotse at siya ang nagmaneho. Bumukas ang pinto at bumungad ang isang babaeng napaka-sexy sa suot na itim na sando at maong pants. Boy cut hair siya pero bumagay sa kanya. Maganda siya at maliit ang mukha. Agad lumarawan ang gulat sa mukha niya nang makita kami. "Who is she?" tanong niya kay Tito Skyler na puno ng pagtataka. "She’s my nephew’s bride," tugon naman ni Tito Skyler habang ipinapasok ako sa loob. "What? Hindi ba siya 'yong ikakasal bukas? What happened? Why did you bring her here?" "My nephew messed up. I had no choice. I need to hide her for now." Ipinasok ako ni Tito Skyler sa isang banyo. Parehong maputik at basang-b