CHAPTER 06: Sa Pagitan ng Laban at Pagnanasa

2045 Words
Empress Pagkalagda ko sa kontrata ay agad na rin akong naghanda. Nandito na 'ko at wala nang atrasan 'to. Nakasuot pa rin ako ng simpleng dress, pero sa ilalim nito'y dala ko ang lahat ng kailangang ebidensya ng pagkataong hindi totoo—lahat peke, pero pulido. Sanay na ako. Ganito ang trabaho ko. Undercover. Laging may papel na ginagampanan. "Miss Empress Leigh," called the HR assistant. Wow, she pronounced my name quite well. Lumapit siya sa akin. "Here's your temporary ID and onboarding documents. Please proceed to orientation and initial screening. May health check din for today. Then we'll see kung saan ka puwedeng i-assign sa mga upcoming shoots." "Thank you," sagot ko habang inaabot ang envelope. Ngumiti ako pabalik, 'yung tamang bait lang, hindi OA. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa orientation room, palihim akong tumitingin sa paligid. Ang ganda ng opisina, malinis, tahimik. Pero may ilang kwarto na masyadong secured. Mukhang hindi lang basta modeling agency ito. Hmm. Hindi ko na makita pa si Shield. Saan kaya siya nagpunta? Pagpasok ko sa orientation room ay nadatnan ko na sa loob ang mga bagong hire. Puro mukhang model talaga—matangkad, flawless, at parang kabisado na nila ang mga posing. Ako lang yata ang tila baguhan sa paningin nila. Pero alam kong kayang-kaya ko rin silang sabayan. Ako pa ba? "Hi everyone!" bati ng isang babaeng may clipboard at headset. "I'm Claudine, talent coordinator. Welcome to Valderama Studios. Today is your Day 0. Orientation, basic health check, then preliminary shoot evaluation." Nilapitan niya ako. "Miss Leigh? Here are your forms. After this, you'll be escorted to the prep lounge. Stand by ka lang, possible na matawag ka agad for a raw test shoot." "Okay, noted. Thanks," sagot ko. Napansin ko ang pagtaas ng kilay sa akin ng ibang kababaihan. Siguro ay nagtataka sila kung bakit mukhang espesyal ako. Nginitian ko na lamang sila, pero bigla akong inirapan. What the heck? Attitude, girls. Hindi ko na lamang sila pinansin. Agad kong pinirmahan ang mga form. Sanay na ako diyan. Kasama na nito ang pekeng diploma at clearance forms na dala ko. Di nagtagal ay tinawag na rin ako para sa health check. Pumasok ako sa maliit na kwarto. Nasa loob nito ang isang nurse. "Hi! Quick vitals lang tayo. May dala ka bang medical records?" she asked. I smiled and handed over the envelope. Complete: physical exam, drug test, x-ray. Not from a hospital. But from our division. That’s more reliable. Kinuha niya ito, ni hindi man lang tiningnan nang masinsinan. "Okay. BP check lang, saglit." Umupo ako sa isang silya at ipinatong sa gilid ng mesa ang isa kong braso. Habang hinihigpitan ng nurse ang BP cuff sa braso ko ay sinuri ko ang paligid nang mabilis. It was a small room with off-white walls, smelling of alcohol and paper towels. No CCTV, no extra personnel. A safe space, if you think about it. "110 over 70," aniya, habang tinatanggal ang cuff. "Normal. Good." Tumango ako, at pilit na ngumiti. "Thanks." Iniabot niya ang clipboard. "Pakipirma dito for clearance. Next mo na ay orientation sa fourth floor. May staff na mag-a-assist sa'yo ro'n." Kinuha ko ang ballpen, at pinirma ang peke kong pangalan bago muling iniabot ang papel sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa. Hindi na siya naghanap pa ng ID ko. Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso na kaagad ako sa nakita kong elevator. Fourth floor. Doon na magsisimula ang trabaho ko, kasama si Shield. Naroroon na kaya siya ngayon? Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ilang ulit akong huminga ng malalim at pilit pinalis ang kakaiba ko na namang nararamdaman ngayon. Minabuti ko nang pumasok sa loob ng elevator at umakyat sa fourth floor. When the elevator doors opened, I was immediately greeted by the cleanliness and coolness of the hallway. Mapusyaw na ilaw, marmol ang sahig, at may ilang artworks na hindi ko maintindihan kung abstract o bastos. Walang receptionist. Walang tunog. Tahimik. Hanggang sa may sumulpot na isang babae mula sa pintong salamin sa dulo ng corridor. Payat, naka-all black na fitted polo at slacks, may hawak na tablet. Agad din siyang napatingin sa akin. "Miss Leigh?" "Hi!" magiliw ko namang bati sa kanya kasabay nang mabilis kong paglapit. "Great. I'm Therese. Orientation starts now. We're just waiting for one more girl. While we wait, please take a seat inside." Binuksan niya ang pinto at inakay ako sa isang maluwag na lounge room. May leather couch, water dispenser, at flatscreen sa pader na nakapatay pa. Walang masyadong gamit—parang temporary setup lang. May limang kababaihan na rin dito—probably models too, based on their posture and appearance. Iba-ibang ganda, iba-ibang aura. May mestiza na parang college beauty queen, isang morenang may matatalim na mata, at isang mukhang foreigner na sobrang tangkad. Lahat sila ay tahimik, pero ramdam ang tensyon sa hangin. Umupo ako sa pinakagilid, na medyo malayo sa kanila. Hindi pa ako handang makipagkilala. Hindi pa ito ang oras para maging palakaibigan. Tahimik kong sinipat ang paligid, at sinuri ang bawat sulok. May CCTV sa taas ng flatscreen. Dalawa. Obvious. Hindi tago. Baka para 'ipakita' na ligtas kami. O baka para ipaalala na may mga matang laging nakabantay. Bigla naman akong napalingon sa isang pintong bumukas sa kanang bahagi nitong silid. Lumabas mula doon si Shield, na nag-aayos ng nagusot niyang dress shirt. Inayos niya rin ang pagkakasara ng mga butones nito. Nagtama kaagad ang aming mga mata. Ngunit napansin ko sa likuran niya ang paglabas din ng isang babae sa pintong pinanggalingan niya. Nakayuko ito habang hawak ng mahigpit ang mga kamay, na tila nangangatal. Kimi nitong hinila pababa ang laylayan ng maigsi nitong dress. Nangunot ang noo ko nang may mapansin akong mga pamumula sa mga hita niya at mga braso, at parang may mga marka din siya ng mga ngipin sa ilang bahagi ng balikat niya at leeg. Agad nitong dinampot ang isang bag sa sofa at mabilis na nagtungo sa pinto. "Miss Solano?" habol na tawag sa kanya ng babaeng nagpapasok sa akin kanina dito. Pero hindi siya nito pinansin. Tuloy-tuloy lamang itong lumabas ng pinto at natanaw na lamang namin ito mula sa glass wall na tumatakbo na patungo sa elevator. Hindi na nagtangka pang humabol ang staff. Bumaling kaagad ito kay Shield at tumitig. Lumingon din kaagad sa kanya si Shield. "Is there a problem?" he asked her. Pansin ko ang paglunok ng babae, at kakaibang takot na lumarawan sa anyo niya. "W-Wala po, Sir. Baka lang po kasi hanapin siya mamaya ni Ma'am Magdalene." "She wants quick money so that she won't be coming back... Plenty of women out there are willing to endure and deserve more than she does," walang emosyong sagot ni Shield bago muling bumaling sa akin, at tumitig nang mataman. Agad din akong nag-iwas ng tingin. Sigurado na ako sa ginawa niya. Lahat ba talaga ng mga babae dito ay ginagamit niya para sa kalibugan niya? At sino ba namang mga babae ang makakaya pang humarap sa camera kung puno na ng latay ang mga katawan nila? Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maglakad siya palapit sa akin. Napatingin sa akin ang mga kababaihang narito. He stopped in front of me, hands in his pockets. "What about you, Miss Empress Leigh? Do you think you can last here?" he asked, his tone laced with a challenge. Tumitig ako sa mga sapatos niya. Hindi ako agad sumagot. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagpigil ng sarili. Ayokong magpadalos-dalos. Isa siyang predator, malinaw. At tulad ng lahat ng mababangis na hayop, mas lalo silang naaakit kapag naaamoy ang kahinaan mo. "I can match what you'll earn as a model for this company in just a few minutes... You could be rich instantly without exposing yourself to anyone." At sa kanya lang maghuhubad ganun ba? Ganito pala ang estilo niya sa mga tao nila. Iniangat ko ang aking mukha hanggang sa salubungin ko ang kanyang mga matang matulis, malamig, at puno ng kayabangang na akala mo'y Diyos siya sa mundong ito. Ngunit hindi ako umurong. Hindi ako pumikit. Hindi ako umatras. "Ano’ng palagay mo sa’kin, sir? Mukha ba akong nadadala sa pera?" kalmado kong tanong sa kanya. "Kung gusto ko lang yumaman sa madalian, baka matagal ko nang pinili ‘yung mas maduduming daan." Sandaling natahimik ang paligid. Ramdam ko ang kilabot sa mga kababaihang nakaupo sa paligid, na tila wala pa raw umuupak ng ganu’n kay Shield sa harap ng lahat. Pero hindi ako narito para magustuhan niya. Narito ako para pabagsakin siya. Napatitig siya sa akin. Parang nag-aalangan kung matatawa ba siya o magagalit. Sa huli, bahagya siyang ngumisi, pero hindi ako nalinlang. Hindi iyon ngiting natuwa—iyon ay ngiting may bago na naman siyang laruan na kailangan niyang basagin. "Interesting," aniya. "We'll see how long your courage lasts, Miss Leigh... The first shoot starts now—strip test. Ako ang pipili nang isusuot mo." Bigla akong napalunok sa sinabi niya, pero hindi ako nagpatinag. Binigyan ko rin siya ng munting ngiti. "Ikaw naman ang tatanungin ko, sir. Pwede ba?" He laughed sarcastically, still staring at me. "I’ve never allowed a woman to ask me anything... But fine, I’ll make an exception for you, since you’re something else." Nagtagal ang tingin niya sa akin, na tila sinusukat kung hanggang saan ako aabot, kung matitibag ba ako sa susunod na segundo. "Sa oras na magsimula na ang first shoot natin, gaano ka katapang para pigilan ang nararamdaman mong init sa katawan?" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi kaagad siya nakasagot. Umawang ang mga labi niya, pero mababakas pa rin ang tuwa sa anyo niya habang nakatitig sa akin. Hanggang sa mas lalo pa itong lumapad. Tumayo ako at mas lumapit din sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang mga katawan naming dalawa. Matangkad siya kaya nanatili pa rin akong nakatingala sa kanya, pero sapat na ang pagkakayuko niya para magpantay ang aming mga mata. I could smell the expensive cologne wrapping around him—warm, enticing, and dangerous. "Sa oras na maghubad na 'ko sa 'yong harapan, at nahulog ka kaagad," bulong ko sa kanya. "... masasabi kong mahina ka ... at hindi ako ang kailangang matakot sa'yo." Hindi siya sumagot agad. Pansin ko ang pagkibot ng panga niya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. May nababasa akong munting paghanga sa mga mata niya, na nahahaluan pa rin ng talim, at tila mas naging interesado pa siya sa akin. Parang may kung anong apoy ang namagitan sa pagitan naming dalawa—hindi lang basta tensyon, kundi isang uri ng tahimik na digmaan kung saan ang bawat titig ay patalim nang patalim, at ang bawat salita ay bala. Muling sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. "You are really something, Miss Empress Leigh... And you don't even know what you're showing me..." Biglang humaplos ang mga daliri niya sa pisngi ko at inayos ang pagkakasumping ng buhok ko sa tainga ko. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko sa simpleng pagdampi lang ng mga daliri niya sa balat ko. Agad nangatog ang mga tuhod ko. "... you’re only making this more exciting," bulong niya. Mas lalo pa siyang yumuko sa akin at bumulong sa tainga ko. "No woman has ever made me kneel... but you’ll try, won’t you? And when you do, I’ll be the one watching you fall... Don’t forget what I told you before you got here—you're already mine. Not even your breath escapes my reach... Sooner or later, you'll know exactly who I am." Muli siyang umayos nang pagkakatayo sa harapan ko at tumitig sa akin ng taimtim. Ang aura niya ngayon ay tila walang takot, puno ng kapangyarihan, at may halong pagnanasa, na parang siya na ang nagkokontrol sa sitwasyon. “And the fact that you're still standing here means you already know the answer,” dagdag pa niya kasabay nang muling pagsilay ng mapanganib na ngiti sa mga labi niya. "Pumayag kang magpasakop sa 'kin." Hindi naman ako nakasagot. Halos marinig ko na ang malakas na pintig ng puso ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang sitwasyon ng mga babaeng dumaan sa mga kamay niya—umiiyak, nagmamakaawa na tigilan na niya. Ngunit bingi siya at patuloy lamang sa pagwasak sa mga katawan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD