Empress
Bigla akong napanganga nang makita ko ang dalawang pirasong tela ng underwear na kayliliit na halos mga tali na lamang, at sa tingin ko ay hindi nito matatakpan ang maseselang parte ng katawan ko.
"M-Miss, ito ba talaga ang isusuot ko?" tanong ko sa staff na siyang nagbigay sa akin nito.
Lumingon naman siya sa akin mula sa pag-aasikaso ng iba pang modelo. "Yes, Miss Leigh. 'Yan po talaga ang napili ni Sir Shield para sa'yo. Theme daw kasi is raw and fearless."
The f**k!
"H-Hindi ba ako pwedeng magpalit o ... magreklamo?" alanganin kong tanong.
Bumuntong-hininga siya ng malalim at lumapit sa akin. "Alalahanin mong bago ka pa lang, at kailangan mong gawin ang best mo para magustuhan ka ng management, lalo na ni Sir Shield at Ma'am Magdalene. You should know how strict and perfectionist they both are. Kapag sinabi nilang ito ang isuot mo, wala tayong choice."
Hindi ako nakasagot. Lihim na nagngitngit ang kalooban ko.
Wala na nga yata akong magagawa. At para sa misyon, gagawin ko ang lahat, makapasok lang sa loob ng mundo nila.
Huminga ako nang malalim at muling pinagmasdan ang hawak kong mga kapirasong tela. "Okay," sagot ko sa staff. "Ng-Ngayon pa lang kasi ako susubok na magsuot ng ganito."
But that wasn’t true.
I actually owned a lot of this kind of underwear. I was used to it. In fact, I loved wearing ones that cost more than three months' salary of a regular employee. Pero iba kasi ngayon. Iba kapag nakabalandra ka sa harap ng camera at mas lalong iba kapag alam mong hindi lang lente ng camera ang tututok sa'yo, kundi pati mga matang hindi mo mapagkakatiwalaan.
Parang pati kaluluwa ko ay makikita na dito. Walang maitatago. Walang makakaligtas.
Muli namang ngumiti ang staff. "Kaya mo 'yan, girl. Kailangan mo nang masanay simula ngayon. And hey, cheer up because you have a great body. You should be proud of it. Huwag kang mahihiyang ibandera sa lahat na pinagpala ka."
I forced a smile and nodded. Proud naman ako sa katawan ko, no. At hindi ko ito ipagpapalit sa kahit kanino.
Minabuti ko nang pumasok sa loob ng dressing room, dala ang kapirasong tela at ang bag ko. Ikinandado ko ang pinto bago ko sila ipinatong sa ibabaw ng maliit na mesa sa isang sulok. Agad kong hinubad ang mga suot kong damit.
Napatitig naman ako sa mga pilat ko sa dibdib at mga hita. Ganundin sa maliit kong tattoo sa tagiliran ko. Isa itong marka ng organisasyong kinabibilangan ko.
Maliliit lang naman sila at makakayang takpan ng makeup. I quickly took out my compact kit from my bag, which contained concealer, foundation, and a bit of shimmer. Kabisado ko na ang proseso—kung paano pagtakpan ang mga marka ng nakaraan para magmukhang perpekto sa harap ng camera. Isang ilusyon ng kagandahan. Isang balat-kayong hinulma ng panahon, sa bawat pagsabak namin sa mga misyon.
Maingat kong pinahiran ang mga pilat at tattoo, pinagdudugtong ang liwanag at anino gamit ang brush, hanggang sa tuluyang maglaho ang mga bakas ng sugat at ink. Tila wala nang nangyaring karahasan. Tila hindi na ako ang babaeng muntik nang magahasa at mamatay noon sa isang gubat.
I looked at myself in the mirror again—no trace of fear. No doubt. Only Empress Leigh—the model. The illusion.
Kinuha ko ang mga underwear at marahan itong isinuot. Pinagmasdan ko ang likod ko. Hindi talaga nito natakpan ang mga pisngi nang mapipintog kong pang-upo. Mismong butas ng pwet ko lang talaga ang natakpan nito.
Sa harapan naman ay halos kita na rin ang buong singit ko. Mataas din ang leg opening part nito na halos litaw na ang buong hips ko. Sumasayaw din ang mga s**o ko sa napakaliit na top.
Damn it. Napakagaling namang pumili ng Shield na 'yon. Gusto niya talagang maghubad na ako sa harapan niya. Gusto niyang tigasan ng alaga, ha? Sige lang, pero hindi mo ako makukuha para lang saktan at pagsawaan. Bahala siya dyang manigas at magsarili!
Over my dead body!
Ilang ulit akong huminga ng malalim at muling inayos ang sarili ko. Matapos ay nagsuot na ako ng robe. Ipinasok ko sa loob ng bag ko ang mga pinaghubaran kong damit at bitbit ito ay lumabas na ako ng dressing room.
Sumalubong naman sa akin ang makeup artist. "Come on, let's get you ready. You look so beautiful. Siguradong mamamangha ang mga boss natin."
I smiled at what she said. "Thank you." Umupo ako sa isang silya at sa harapan nito ay isang malapad na salamin. Dito niya ako inumpisahang ayusan.
Ang ibang mga modelo at staff ay kanya-kanyang abala rin sa kanilang mga ginagawa. May mga nagpa-practice ng mga pose, may mga nag-aayos ng mga kasuotan, at may mga staff na nagtutulungan para mapabilis ang lahat.
Hindi rin nagtagal ay natapos na kaming lahat na ayusan. Pinaalis nila sa amin ang mga suot naming robe at sinuring mabuti ang aming itsura mula ulo hanggang paa.
We were like statues in front of the stylists and coordinators—sculpted images of beauty and confidence. Isa-isa kaming tiningnan ng mga handler: kung may kailangan pang ayusin sa makeup, kung may kulang sa props, o kung masyadong revealing ang tela sa hindi dapat. Pero sa totoo lang, iyon nga ang gusto nila—yung hangganan ng disente at delikado.
Lumapit sa akin si Ate Mads, isa sa mga senior stylist. Tiningnan niya ang suot ko, saka marahang tinapik ang balikat ko. “Perfect. Eksakto ‘yan sa concept ng shoot. Fierce pero fragile. Sexy pero untouchable.”
Ngumiti naman ako. Laking pasasalamat ko dahil hindi nila napansin ang tinatago kong mga pilat sa katawan.
“Ready na ang set!” sigaw ng isa sa mga production assistant mula sa pinto.
Lahat kami ay tinawag na at pinapwesto sa may pinto. Napunta naman ako sa pinakadulong pila. Bakit naman ako pa ang pinakahuli? Tsk.
Tinamaan ako ng matinding kaba dahil kauna-unahang beses ko itong gagawin. At isa pa, nasa labas at nag-aabang lang si Shield na makita ang postura ko.
Nagsimula nang lumabas ang mga nasa unahan namin.
Ilang ulit akong huminga ng malalim. You can do this, Empress. You’re good, okay? Show them what you've got, make a Shield Montgomery speechless!
Hinaplos ko nang bahagya ang dibdib ko para damhin ang t***k ng puso kong parang pinapatugtog ng drumline. Mabilis. Mabigat. Pero buhay. Buhay na buhay.
Lumagpas na sa pinto ang isa pang modelo. Kaunti na lang, ako na. Naririnig ko na ang click ng camera, ang mga utos ng photographer, at ang iilang papuri mula sa creative director.
"Next!" sigaw ng staff.
Ako na. f**k!
Muli kong inayos ang postura ko. Iniangat ko ang baba ko, pinatibay ang likod ko, at sinalubong ng titig ang bukas na pintuan.
Agad na rin akong humakbang palabas ng pintuan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na tila ba naglalakad ako hindi lang sa runway kundi sa harap ng lahat ng paningin, paghuhusga, at inaasahan.
Pagkalampas ko sa frame ng pintuan, sumalubong sa akin ang nakakasilaw na ilaw ng studio. Sandaling nabulag ang paningin ko, pero hindi ako natinag. Dire-diretso ang tingin ko, diretso sa lente ng camera—at sa likod nito, sa lalaking taimtim na nakatitig sa akin.
Si Shield. Nakasandal siya sa pader, nakataas ang isang kilay at bahagyang nakangisi. Parang tinatantya niya kung ano ang kayang ibuga ng babaeng nasa harap niya ngayon.
Well, tingnan natin kung makakangiti pa siya mamaya.
Isang iglap lang, nagpalit ang ekspresyon ko. Mula sa kaba, dumulas ako sa karakter ko—si Empress Leigh. Fierce. Untouchable.
Ikinampay ko ang balikat ko habang patuloy na humahakbang at umiikot sa harapan nila. Pinanindigan ko ang suot kong halos wala nang natatakpan. Tumitig ako sa camera, nagbigay ng kaunting anggulo, at saka marahang ngumiti.
Gumanti ng click ang camera.
Walang atrasan. Oras ko na para magningning.
Nakita ko ang pagngiti at pagpalakpak ni Magdalene habang nakaupo sa isang single sofa malapit sa anak niya.
Natuwa ako ng bongga dahil sigurado akong nakuha ko ang atensyon nila—lalo na ni Shield. Ang kaninang mapanuyang ngiti niya, unti-unting napalitan ng seryoso at tila na-hipnotize na titig.
Bingo.
Sinundan ko ang bawat direksyon ng photographer. “Chin up. Right shoulder forward. Look back over the left.”
Even though I wasn’t completely familiar with the technical terms, I followed them all confidently. One. Two. Three. One more angle.
Sunod-sunod ang pag-click ng camera.
Parang sinasayawan ko ang camera gamit ang buong katawan ko. Hindi ako si babae mula sa trahedya ng nakaraan. Ako si Empress Leigh—na pinanonood, hinahangaan, at hindi kayang hawakan ng kahit sino, kahit ng lalaking iyan sa sulok na akala mo'y kayang basagin ang katahimikan ko.
"Well done!" sigaw ng photographer, habang patuloy sa pag-click, pero halata ang kasiyahan sa boses niya. "Hold that! Empress Leigh, you are on fire today!"
Nagpalakpakan bigla ang buong production team. Nararamdaman ko na ang init ng spotlight—at hindi lang dahil sa mga ilaw. Ako mismo ang init. Ako ang apoy.
Tumigil ako sa isang huling pose, bahagyang tumagilid, bahagyang nakapikit, habang nakaangat ang isang balikat. Tapos na ang set, pero sa mata ng mga nanonood, nagsisimula pa lang ang bagyo.
Tumango ang creative director. “Cut. That’s it. Perfect!”
Magdalene stood up and immediately walked toward me. She continued clapping her hands, with a broad smile and admiration in her eyes.
“I knew it, you’re going to be the highlight of this shoot!” Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, na bahagya kong ikinagulat. “Wow, Empress. You’re not just beautiful—you have an aura that can stop the world. Hindi ako nagkamali nang pagpili sa 'yo."
Muli na siyang kumalas at pinagmasdan akong muli.
"Maraming salamat po, Ma'am." Ibinalik ko nang muli ang kunwari'y pagiging mahiyain ko sa harapan niya.
"There are three upcoming campaign shoots for Selenah Intimates: first, for our forthcoming Seduction Summer collection—fresh, playful, and vibrant pieces perfect for a beach and resort mood; second, the luxury sleepwear collection for autumn; and third, our Daring Noir series scheduled in Paris... At tamang-tama, pauwi na dito sa Pilipinas si Selenah. At sakto, makakasama niyo siya sa upcoming launch event."
Bigla akong napahinto sa sinabi niya. "Uuwi na po ang bunso niyong anak?"
"Yes. Baka bukas o sa makalawa ay naririto na siya. By the way, baka may kakilala ka. I’m looking for a reliable driver-bodyguard to assist her while she’s in the Philippines. If you know anyone, just let me know right away."
Parang may isang bombilyang umilaw bigla sa utak ko. Nangangailangan sila ng driver-bodyguard?
Kapag sinuswerte ka nga naman. Isa sa team namin ang pwede kong makasama dito, at dalawa na kaming papasok sa mundo ng mga Montgomery para siyasatin ang tinatago nilang baho.
"Naku, may kakilala po ako, Ma'am! Sakto po, naghahanap po talaga siya ng trabaho ngayon. Magaling po 'yong magmaneho ng kahit anong sasakyan, at maaasahan niyo rin 'yon sa pagbabantay. Malaki ang katawan, macho, kayang manuntok ng sampung tao!"
Natawa naman siyang bigla. "Ikaw talaga. Marunong ka rin palang magbiro. Baka naman boyfriend mo 'yang tinutukoy mo."
Bigla akong napalingon kay Shield nang maglakad ito palapit sa amin. Salubong na ang mga kilay niya.
Muli akong bumaling kay Magdalene. "Pihikan po siya, Ma'am Magda. Napaka-torpe. Baka nga po ako na ang manligaw sa kanya sa susunod." Sinadya kong iparinig 'yon kay Shield. Hindi ko siya nilingon, pero nakikita ko siya mula sa peripheral vision ko.
Muli namang tumawa si Magdalene. "Well, bring him to me then. I want to meet him if that’s the case. I trust you."
"Sige po, Ma'am! Sasabihan ko po siya kaagad."
Tuluyan nang nakarating sa harapan namin ang anak niyang si Shield. "Why are you looking for someone else to guard your youngest?" he asked his mother. "We already have trustworthy people."
Lihim akong umismid sa tinuran niya.
"Son, everyone’s already occupied, and there’s no one free. You know we’re running low on resources. So, if I can find someone reliable, that’s better. I don't want any problems with Selenah’s safety," sagot naman ni Magdalene.
Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kilay ni Shield, ngunit hindi siya tumugon.
Bigla namang lumapit kay Magdalene ang assistant niya. "Ma'am, may tawag po kayo sa telepono," aniya dito.
"Sino? Maiiwan ko na muna kayo," paalam niya sa amin bago nagmadaling tumalikod at lumabas ng pinto.
Naiwan kaming dalawa ni Shield na magkaharapan. Nakatitig na siyang muli sa akin. Nangungunot pa rin ang noo niya, at tila masama ang timpla ng mukha.
"So, you have a thing for another guy?" he asked.
Hindi kaagad ako sumagot. Mahigpit kong pinigilan ang tuwang nararamdaman ko ngayon.
Binigyan ko siya ng munting ngiti. "Hindi naman po siguro kasama sa trabaho ko dito ang personal kong buha—" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko at agad akong hinila palabas ng studio. "Sir—"
Isinandal niya ako ng malakas sa isang pader—ramdam ko ang pagtama ng likod ko dito. Hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ko, at halos mawalan ako ng hininga sa bilis ng mga pangyayari. Nakatitig siya sa akin, malapit na malapit, na halos magkadikit na ang aming mga mukha.
"I don't think you understood what I said earlier," bulong niya sa mga labi ko. Nalalanghap ko na ang mainit at mabango niyang hininga. "When I say you're mine, you're only mine. You can't be interested in any other man. You entered my world, and now you can't leave. Do you understand?" Ramdam ko ang diin sa bawat salita niya.
"Ah," napadaing ako nang mas humigpit pa ang pagkakasakal niya sa leeg ko. Medyo nahirapan akong huminga.
"Answer me, now," he commanded, his voice dark with authority. "Susuwayin mo ba ako o makikita mo kung paano ako magalit?"
Hinawakan ko na ng mahigpit ang mga braso niya. Hindi pwedeng masira ang mga plano ko kung palagi ko siyang kokontrahin. Baka kung saan pa ito mauwi.
"S-Sir, h-hindi po. S-Sorry," sagot ko na lang sa kanya.
Hindi siya sumagot, pero nanatili pa ring nakatitig sa akin at sakal ako sa leeg. Bigla na lamang niyang sinakmal ang mga labi ko, at siniil ako ng isang marubdob na halik.
Nagulat ako at hindi nakagalaw. Puno nang pagnanasa at pang-aalipin ang mga labi niya—ang paraan nang paghalik niya. Mainit. Madiin. Mapusok. Ang kamay niyang nasa leeg ko ay unti-unting kumalas at gumapang patungo sa batok ko. Doon naman niya ako hinawakan ng mahigpit, pero kahit papaano ay mas maayos ito kaysa kanina.
Yumakap ng mahigpit sa katawan ko ang braso niya. Pumisil ang kamay niya sa baywang ko at mas idiniin pa ako sa pader.
"Umm..." napaungol akong bigla, hindi ko alam kung para saan. I wanted to push him away, but I couldn't. Actually, kayang-kaya ko siya, pero ayaw sumunod ng katawan ko, na parang nauupos ngayon na kandila.
Pero nagulat ako nang maya-maya’y biglang naging marahan ang halik niya—tila ba may kung anong emosyon ang dahan-dahang lumusot sa pagitan ng bangis at pag-angkin. Nawala bigla ang dahas. Napalitan ito ng kakaibang pag-iingat, na hindi ko maipaliwanag.
I closed my eyes.
Now, I could taste its sweetness, not just from the physical kiss, but from the emotion he was trying to hide in his chest.