CHAPTER 08: Observing Empress

1747 Words
THIRD PERSON POV "Shield!" napasigaw si Magdalene nang makita niya ang ginagawa ng anak niya sa bagong modelo nilang si Empress. Nadatnan niya itong ginigipit si Empress sa isang pader habang nilalamukos ng halik sa mga labi. Napahinto naman sa ginagawa si Shield. Agad din siyang itinulak ni Empress kasabay nang pagyuko ng ulo nito. May pagmamadaling lumapit si Magdalene sa kanila. "Anak, what do you think you’re doing?” Bakas ang galit at gulat sa anyo ni Magdalene. Agad din niyang nilapitan si Empress at hinawakan sa balikat. “Are you okay, Empress? I’m sorry.” Hindi kaagad sumagot si Empress. Nanatili lang nakayuko ang ulo nito. Muli namang nilingon ni Magdalene ang anak. “We need to talk, Shield. This has to stop. You're going too far! Lahat na lang ba ng modelo natin ay pakikialaman mo?!" Umismid lang si Shield sa kanyang ina. “I’m just testing them, Mom. To see if they can be trusted—how far they can go—” “Not like this! This is not the right way!” Hindi sumagot si Shield. Ngumiwi lamang ito habang inaayos ang kurbata sa leeg. "Go to my office right now!" madiing utos ng kanyang ina habang nakaturo sa kinaroroonan ng opisina nito. Bago sumunod si Shield ay tinapunan muna niya ng tingin si Empress, ngunit walang makikitang pagsisisi sa kanyang mga mata para sa ginawa niya. Agad na rin siyang tumalikod at nagtungo sa opisina ng ina. Naiwan naman sila Magdalene at Empress. "Okay ka lang ba, Iha? Did my son hurt you?" may pag-aalalang tanong ni Magdalene. Makikita ang panic at takot sa anyo nito. "O-Okay lang po, Ma'am Magda. N-Nagulat din po ako at natakot sa anak niyo," nakayuko pa ring sagot ni Empress. "N-Nahirapan po akong makawala sa kanya. Mabuti na lang po at dumating kayo." "Ako na ang humihingi ng dispensa. Don’t worry, I’ll talk to him again. I hope this doesn’t change your decision to work with Selenah Intimates. My son is a good man. Minsan nga lang ay nagiging mapusok at padalos-dalos, lalo na kung may gusto siyang malaman o makuha." Hinagod niya ng marahan ang braso ni Empress. "But I’ll make sure this doesn’t happen again." Tumango-tango si Empress. "Salamat po, Ma'am Magda. Pipilitin ko pong maging professional sa kabila ng ... nangyari." Ngumiti si Magdalene, bagamat may lungkot sa kanyang mga mata. "Thank you for your understanding, Empress. You’re a good person. I’ll ensure you’re protected while you’re with the company." Muling tumango si Empress. "Salamat po ulit." "So, you can go ahead and go home. We’ll call you once your next shoot schedule is ready. For now, go get changed." "Opo. Sige po, Ma'am." Ngumiti si Magdalene at agad na ring tinalikuran si Empress. Tuloy-tuloy itong nagtungo sa opisina nito. Samantala si Empress ay makailang ulit na huminga ng malalim. Ramdam pa rin niya ang pangangapal ng mga labi niya dahil sa biglaang paghalik sa kanya ni Shield. Umiling siya at pumasok na ring muli sa studio. Samantala, pagpasok ni Magdalene sa opisina niya ay nadatnan niya ang anak niyang nakaupo na sa swivel chair niya habang nakataas ang pareho nitong mga paa sa mesa. Mabilis na sumiklab ang inis sa loob ni Magdalene sa nakita. Mariin siyang napahinga at agad na isinara ang pinto ng opisina. "Shield, what is this again? Swivel chair ko 'yan, hindi mo trono!" mariing wika niya, na halatang pigil ang galit. Mabigat ang mga hakbang niyang nilapitan ang anak. Tila wala lang kay Shield ang tono ng ina. Bumaba man ang mga paa nito sa mesa ay nanatiling kampante ang anyo. "Relax, Mom. Remember your blood pressure." "Talagang maha-high blood ako sa 'yo dahil sa mga pinaggagagawa mo!" Tila tamad na tumayo si Shield mula sa swivelchair bago namulsa at naglakad patungo sa harapan ng table. "Anak naman, nakalimutan mo na bang malapit ka nang ikasal? Pwede ba, ayusin mo na 'yang buhay mo. Stop messing around with other women. Focus on your fiancée." Napailing si Shield, bahagyang natawa ngunit walang kasiyahan sa mata. "Fiancée? Mom, I don’t even know her well. It’s just a business arrangement, we both know that." "At kahit pa business arrangement 'yan, kailangan mong gampanan. Hindi ka lang basta lalaki na pwede na lang mamili ng gusto at tikman lahat ng makita mo!" matalim na tugon ni Magdalene, kasabay ng pagtapik sa mesa. "Pero 'di ba mas masahol kung pakakasalan ko ang taong hindi ko naman gusto? At habang buhay kong dadalhin 'yung pagkukunwari?" "Shield, anak," malumanay ngunit matindi ang tingin ni Magdalene, "hindi lahat ng desisyon ay kailangan mong gustuhin. Sometimes, we do what’s right even if we don’t want to. Pwede mo rin namang seryosohin si Hescikaye para maging maayos na ang buhay mo. She’s a good woman, kind, well-mannered, and a great cook. What else do you need from her?" "Mom..." Tinitigan ng taimtim ni Shield ang kanyang ina. "I know your plan... Narinig ko kayo ni Ninong Philip." Biglang napahinto si Magdalene. Nagbago ring bigla ang kanyang anyo habang nakatitig sa anak. Ngumisi naman si Shield. "Palalabasin niyong nakikipagkasundo kayo sa mga Villaroel. Tutulungan niyo sila kuno na maiahon muli ang pabagsak na nilang mga negosyo na kayo din naman ang gumawa... I’ll marry their daughter in exchange for your help... but you’ll fake the documents and our marriage certificate because all you want is to take all their property... Gusto niyo pang unahan ang mga Garland." Hindi kaagad nakasagot si Magdalene. Napaiwas siya ng tingin sa anak at pabagsak na naupo sa swivel chair. "Para lang naman sa inyo ang ginagawa kong 'to. Ang lahat ng 'to ay para sa atin, sa inyo ni Selenah." "Mom, we already have everything. We’re so rich, what more do you want? Hindi naman natin madadala sa hukay—" "Shield, shut up!" agad na sigaw ni Magdalene sa anak. "There’s nothing we can do now! Naka-set na ang lahat! Naghihintay na sa atin ang mga Villaroel, at ayokong mapahiya sa kanila. Kung gusto mong maging maayos ito, at maging legal ang kasal niyo, seryosohin mo na lang si Hescikaye. I swear, son, you won’t regret her." "Alam ba ni Dad ang totoo niyong plano?" tanong muli ni Shield na tila hindi man lang natitinag sa nakikitang galit sa anyo ng ina. Muli namang natahimik si Magdalene, at nag-iwas ng tingin sa anak. Napatiimbagang si Shield kasabay nang pagkuyom ng mga kamao niya. "Sasabihin ko rin sa kanya—" "At sigurado akong hindi siya papayag sa gusto niyo," agad na putol ni Shield sa sinasabi ng ina. Napahawak sa noo si Magdalene kasabay nang pagpikit ng mga mata niya, na tila nauubusan na ng pasensiya sa anak. "Iwan mo na muna ako, Shield. At huwag na huwag kang magtatangkang unahan ako sa pagsasabi nito sa 'yong ama. Ayaw mo naman sigurong masira ang pamilya nating 'to." Hindi na nakasagot pa si Shield, ngunit makikita ang matinding inis sa kanyang anyo habang nakatitig sa ina. Agad na rin siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto. Pero bago siya lumabas ay huminto muna siya pero hindi nilingon ang ina. "You know what’s been broken in this family for years, Mom? Your f*****g secrets. And the fact that you keep hiding them, even now. Hindi ko na masasabi kung talaga bang mahalaga pa kami sa 'yo," mahinahon niyang turan ngunit naroroon ang diin at bigat nang nararamdaman niya. Hindi nakasagot si Magdalene, hanggang sa tuluyan nang makalabas ng opisina niya ang anak. Ilang ulit huminga ng malalim si Shield upang maibsan ang nagpupuyos niyang dibdib. Nagpatuloy siya sa paglalakad at muling bumalik sa studio. Sumilip siya sa loob mula sa pinto. Nadatnan niyang abala pa rin sa loob ang mga crew at stylist na inaayos ang set para sa susunod na shoot. "Mads," tawag niya sa senior stylist. Agad din naman itong lumingon sa kanya. "Yes, Sir?" At mabilis na lumapit. "May kailangan po ba kayo?" "Where is Empress Leigh? Is she still inside?" "Kaaalis lang niya, Sir. May kailangan po ba kayo sa kanya?" Hindi kaagad sumagot si Shield. Mabilis niyang nilingon ang hallway ngunit hindi na niya nakita pa ang dalaga. Napabuntong-hininga siya ng malalim bago muling bumaling sa stylist. "I need her documents. Please send them to my office." "Understood, Sir." Agad na ring tumalikod si Shield at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Napahinto siya sa tapat ng glass wall at tumingin sa ibabang bahagi ng gusali. Doon ay natanaw niya si Empress, na saktong sumasakay na sa taxi. Tahimik lamang siyang nanatiling nakamasid hanggang sa maisara ang pinto at tuluyang umandar ang sasakyan. Hindi niya maipaliwanag, pero may kung anong kakaibang damdamin siyang nararamdaman para sa dalaga. Isang halong pagtataka, interes, at ... pag-aalala? Bagama't nahihiwagaan siya sa pagkatao nito. Hinding-hindi pa rin niya nakakalimutan ang unang beses na nakaingkwentro niya ito sa bar na pag-aari niya mismo. Kung paanong buong tapang nitong hinarap ang isang bastos na customer, at kung paanong walang kahirap-hirap na pinatumba ito. Maging ang pagharang niya sa snatcher ng bag ng kanyang ina kani-kanina lamang. Wala siyang nakitang kaba, takot at pag-aalinlangan sa dalaga habang ginagawa 'yon. Sanay itong gumalaw. Mabilis at eksakto, na tila ba may pinagdaanan o pinaghahandaan. Ngunit tuwing kaharap na niya ito—lalo na kapag naroon din ang kanyang ina—ibang Empress ang nakikita niya. Mahinhin. Magalang. Palaging naka-yuko. Parang dalagang Pilipina sa lumang pelikula. Ano ka ba talaga, Empress Leigh? bulong ng isip ni Shield habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng taxi. Hinugot niya ang phone niya mula sa bulsa niya at tinawagan ang isa sa mga tauhan niyang nakapwesto sa ibaba ng gusali. “Sundan niyo ang taxi na sinakyan ni Empress Leigh. Don’t lose it," mariin niyang utos. “Masusunod, boss,” mabilis na sagot sa kabilang linya. Maya-maya pa’y nakita niyang lumabas ng gusali ang dalawang tauhan niya—magkasunod na sumakay sa motorsiklo at agad na sumunod sa tinahak na direksyon ng taxi. Napabuntong-hininga na lamang si Shield habang tinatanaw ang mga itong papalayo. Napapikit siya ng mariin nang sumagi ding bigla sa isip niya kung gaano katamis at kalambot ang mga labi ng dalaga, maging ang katawan nitong nakadiin sa kanya kani-kanina lamang. Hindi niya mapigilan ang pagkabuhay ng init sa loob ng katawan niya, na unti-unting tumindi habang naglalakbay ang imahinasyon niya sa hitsura ni Empress Leigh, lalong-lalo na sa bawat sulok ng katawan nitong napagmasdan niya kanina habang rumarampa ito sa studio at sa harap ng camera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD