CHAPTER 13: Plano para sa Fiancée

2491 Words
Empress "Mom!" Napalingon kaming bigla sa napakagandang babaeng naglalakad palapit sa amin. Agad akong napatulala sa ganda niya hindi lang sa mukha, kundi pati na rin sa katawan. Sa wakas ay nakita ko na rin siya sa personal. “Oh, there’s my baby,” Magdalene said with a smile. “Selenah, sweetheart, come on. I want you to meet Empress Leigh, one of our bikini models. She’s beautiful, isn’t she?” "Hi! Mas maganda ka pa pala sa personal!" magiliw kong turan sa kanya. "Ikinagagalak kong makilala ang pinakamaganda at seksing anak ni Ma'am Magdalene Montgomery.” Ngumiti din naman siya kaagad. “Aw... thank you so much. That’s heartwarming. But I’m not the most. Just enough." Mukhang mabait naman siya kahit halatang sanay na sanay sa mga papuri. May grace siyang taglay sa bawat kilos niya, pero mukhang hindi rin siya mahirap lapitan. "See? Mukhang magkakasundo kayong dalawa," ani Magdalene. Bigla ko namang natanaw ang pagpasok din ni Skipper sa pinto. "Skipper!" hindi ko napigilang tawag sa kanya kasabay nang pagkaway ko upang makita niya kaagad kami. Napalingon din sa kanya sila Magdalene at Selenah pero bigla siyang pinagkumpulan ng mga modelo. Mukhang nahumaling din sila sa kagwapuhan niya. Pero tuloy-tuloy din naman siyang lumapit sa amin. "Hi," bati niya na may kasamang bahagyang ngiti, na bibihira ko makita sa kanya. Nilampasan niya si Selenah at nagtungo sa tabi ko. At para effective ang mga pagpapanggap namin, hinalikan ko siya sa pisngi. "Hi. Na-meet mo na rin pala ang magandang anak ni Ma'am Magda," ani ko sa kanya. Napansin ko naman ang bahagya niyang paghinto at pagtitig sa akin. "Yeah." Nginitian ko na lamang siya ng matamis. "Sweetheart, si Empress nga pala ang nagpasok nitong si Skipper sa atin as your driver and bodyguard. They're friends, pero mukhang mas bagay sila bilang couple, right?" turan naman ni Magdalene sa kanyang anak. Napalingon kami ni Skipper kay Selenah, pero nagulat ako nang makita kong nagbago bigla ang reaction ng mukha nito habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Skipper. Ang kanina'y sweet niyang ngiti, ngayo'y napalitan ng masamang tingin at parang galit na anyo. Napasulyap ako kay Skipper, na nananatiling nakatitig naman sa kanya. Nandoon pa rin ang bahagyang ngiti sa mga labi niya, pero ang mga mata niya ay parang kay daming ibig ipa-kahulugan. "Oh, okay," walang emosyong sagot ni Selenah bago muling bumaling sa akin, at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Muli naman akong napahinto. What the f**k? What the hell happened? Galit ba siya sa akin? ****** "Stop!" Bigla kaming napahinto sa pagrampa sa malakas na sigaw na 'yon ni Selenah. Nasa harapan namin sila ngayon, kasama si Magdalene, Skipper at mga miyembro ng production team. Kita sa mukha ni Selenah ang inis at frustration habang hawak-hawak ang tablet kung saan tinitingnan niya ang footage ng runway rehearsal. "I think hindi tama ang paglalakad nila, Mom. The audience might get disappointed," aniya kasabay nang pagsulyap sa kanyang ina. "Mali ba anak? But Kenjie and Carpio, our organizers, were the ones who trained them," sagot ni Magdalene. Agad na tumayo si Selenah. "Sino naman ang mga 'yon? Ganito dapat." Nagpunta siya sa dulo ng runway at buong kumpiyansang naglakad pabalik—matikas, elegante, at may kakaibang presence. Maging ang mga modelo ay tila napako sa kinatatayuan nila habang pinapanood siya. Walang alinlangan sa bawat hakbang niya, at kahit ang mga simpleng kilos ay may dating. Maging ako ay napahanga din dahil personal ko nang nakikita kung paano siya rumampa. Pagdating niya sa gitna, huminto siya at tumingin sa amin. “This is how you make people look at you and never forget,” aniya. Natahimik kaming lahat habang pinanonood siya. Nakailang ulit siyang ikot. Humahapit sa katawan niya lalong-lalo na sa balakang niya ang suot niyang satin mini dress, na bumagay sa stillettos niya. I couldn't take my eyes off her. Lalo lang niyang naipakita ang confidence at finesse na para bang siya ang tunay na reyna ng entablado. After the last turn, she stopped before us, hands on her hips, and gave a challenging smile. “Now, do it again. But this time, do it like your audience matters.” Nagpalakpakan kaming lahat. Lahat yata kami ay humanga ng husto sa kanya. "Ang galing! Ang galing mo talaga, Ms. Selenah! Kaya nga idol na idol ka namin, eh!" hindi ko napigilang puri sa kanya. Pero hindi man lang niya ako nilingon. Wala pa rin siyang kangiti-ngiti. "Gayahin niyo na lang kung paano ang paglakad ko," aniya bago muling bumalik sa silya niya. "Naku, mabuti na lang, anak at narito ka na dahil may mga magtuturo na sa kanila at sa pagharap nila sa camera," ani Magdalene naman sa kanya, na sinagot niya lang ng munting ngiti. Hindi ko mapigilang magtaka. Parang nagbago siyang bigla. Napatingin naman ako kay Skipper na nasa tabi niya. Naaktuhan ko ang pagtitig niya kay Selenah, pero agad ding nagbawi nang may kausapin sa phone si Selenah. Lumipat ang mga mata niya sa akin. "Honey! Ang tagal mo, kanina pa kita tinatawagan," turan ni Selenah sa kausap niya. "It's okay, honey. Take your time." Suddenly, Skipper stood up and walked toward me. Nagulat ako nang tulungan niya ako sa pagsusuot ng robe, though higit pa dito ang sweetness na ginagawa namin sa tuwing nasa misyon kami at kinakailangan 'yong gawin. At mukhang isinama lang din niya ito sa pag-arte naming dalawa ngayon. Napasulyap akong muli kay Selenah, at naaktuhan kong muli ang pagtitig niya sa amin ni Skipper, pero agad ding umismid at nag-iwas ng tingin. "Hon! O-Oo. K-Kasama ko si mommy dito sa studio with her models. K-Kaya maingay dito," muli niyang sabi sa kausap niya. Mukhang may boyfriend na siya. "I-I love you too. Ingat kayo... Okay." Ibinaba na rin niya ang phone niya. Tiningala ko si Skipper at nginitian. Parang may nasi-sense na ako. Naalala ko lang bigla kung paano siya asarin ni Silver. It seemed like there was history between him and Selenah. And I had this feeling that Selenah was jealous of me, at parang ginagatungan pa nitong isa sa pamamagitan nang pag-aasikaso niya sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. “’Wag kang masyadong feeling," bulong niya bago ako binitawan. Kamuntik na akong mapabunghalit ng tawa. "Being sweet like that is actually kinda charming," I whispered back. "Tch." Agad na rin niya akong tinalikuran. Hindi ko naman mapigilang matawa. Pinagseselos niya lalo si Selenah, o baka naman siya ang nagseselos sa kausap nitong boyfriend sa phone. Alin ba doon? Pareho lang silang nagseselosan! ******* THIRD PERSON POV Nangibabaw ang malakas na hugong ng helicopter sa isang Isla sa Palawan, sa lugar ng mga Villaroel. Sakay nito ang buong pamilya ng Montgomery, ilang bodyguard at si Skipper na siyang nagmamaniobra nito. Sa ibaba, abalang-abala ang mga tauhan ng Villaroel estate sa paghahanda para sa pagdating ng mga panauhin. Ang mga puting kurtina ng canopy ay nililipad ng hangin habang ang mga eleganteng mesa ay maayos na nakaayos sa beachfront. Nang marinig nila ang papalapit na helicopter, isa-isang napatingala ang mga staff. “Ihanda na ang welcome team,” utos ng head butler sa radio. “Malapit nang lumapag.” Maya-maya pa’y unti-unting bumaba ang helicopter sa designated helipad. Pagtigil ng rotor, bumukas ang pinto at isa-isang bumaba ang pamilya Montgomery—lahat ay elegante, may tindig ng kapangyarihan, at presensiyang hindi maikakaila. Sa likuran nila, bumaba si Skipper, suot pa rin ang pilot gear, ngunit may paningin na agad gumala sa paligid, alerto at mapanuri. Dinala sila ng mga tauhan ng mga Villaroel sa isang restaurant kung saan naghihintay na ang pamilya Villaroel. Nanatili na sa labas ang mga kasama nilang bodyguard, gayundin si Skipper. Nagkalat din sa buong paligid ang mga tauhan ng mga Villaroel, na mahigpit ang pagbabantay. Agad na tumayo ang mga Villaroel sa pangunguna ng haligi ng tahanan na si Kennedy. “Welcome to our island,” nakangiti nitong bati sa mga Montgomery kasabay nang paglahad ng kamay niya. “The Villaroels are honored by the presence of the Montgomerys. I trust your flight was smooth?” Magaan ngunit may kumpiyansang tinanggap ni Serafin ang kamay ni Kennedy, kasabay ng isang ngiting may lalim. “As smooth as expected, Kennedy. Our pilot trained the winds well,” biro nito, bago tumingin sa paligid. “You’ve kept the island... impressive, as always.” Bahagyang tumawa si Kennedy, ngunit nanatiling pino at may kontrol ang kanyang ekspresyon. “We do our best to maintain the legacy—and protect it.” Nagkamay din ang mga ina ng dalawang pamilya na sina Hazel Villaroel at Magdalene Montgomery, bago isinunod ang kanilang mga anak. Dalawang babae ang anak nina Kennedy at Hazel, ngunit tanging si Hescikaye lamang ang kasama nila ngayon. Agad nagtama ang mga mata nina Shield at Hescikaye. Mabilis na nakita ni Shield ang ganda nito—ang maamong mukha, ang eleganteng tindig, at ang tahimik ngunit malalim na titig. Pero wala siyang naramdamang paghanga o atraksyon. Sa halip, may kakaibang pagkirot sa dibdib niya. Isang saglit na kabog sa puso na hindi niya maipaliwanag. Hindi ito ang klaseng damdaming nararamdaman ni Shield tuwing kaharap niya si Empress o maging ang dati niyang kasintahan. Muling bumalik sa silya si Hescikaye at yumuko. Halata sa mga mata nito ang alinlangan, ang hindi pagsang-ayon sa anumang kasunduang maaaring bumalot sa gabing iyon. At ganun din ang nararamdaman ni Shield. "Here's my wife, Hazel, and this is Hescikaye, her daughter," pagpapakilala naman ni Kennedy sa pamilya niya. Biglang lumarawan ang pagtataka sa mukha ng mga Montgomery kasabay nang pagtitig nila kay Hescikaye. Ngunit hindi si Serafin, dahil nang sandaling matitigan niya ng husto si Hazel ay pareho niya itong nagulat. Bigla na lamang namutla si Hazel na animo'y binuhusan ng isang baldeng suka. Napalunok si Serafin, dama ang pagragasa ng kaba sa kanyang dibdib. Parang may sigaw sa loob ng kanyang ulo, ngunit nanatiling tikom ang bibig niya. Pero pilit din siyang bumawi. "H-Hi. Ahm... this is my wife Magdalene, my daughter Selenah and my son Shield," pagpapakilala niya rin sa pamilya niya. Biglang nagkaroon ng tensyon sa buong paligid. Nagkaroon ng ilangan sa pagitan ng bawat isa. Bahagyang tumikhim si Kennedy, na waring nais sirain ang katahimikang bumalot sa kanila. “Please, let’s all take our seats,” alok nito. “Dinner is served. I’m sure we could all use something warm to ease the flight.” Agad namang tumango ang mga Montgomery. “Feel at home, Montgomerys. This island welcomes you as family,” dagdag pa ni Kennedy. Minabuti muna ng pamilyang kumain habang pinag-uusapan ng parehong ama ng pamilya ang tungkol sa mga negosyo nila at sa mga plano nilang gagawin sa oras na maikasal na sina Shield at Hescikaye. Buong oras namang nakatitig si Shield kay Hescikaye habang lumilipad sa malayo ang isip niya. Maya-maya'y nagpaalam si Hescikaye sa lahat, "Ahm... excuse me po. Kailangan ko lang pong gumamit ng restroom." Agad din itong tumayo. "You need to come back here immediately. Pag-uusapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Shield," maawtoridad na sabi ni Mr. Villaroel sa kaniyang anak. Hindi sumagot si Hescikaye. Sa halip, yumuko lamang ito sa lahat at tuluyan nang tumalikod. Napahabol ng tingin sa kanya si Shield, at tila may malalim na iniisip. "S-Siya ba ang p-panganay niyo?" utal na tanong ni Serafin sa mag-asawa. Mapapansin ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito habang hawak ang mga kubyertos. Samantala, si Magdalene ay nasamid bigla. Agad nitong dinampot ang baso ng tubig sa harapan at mabilis na ininom. "'Yon ang sabi niya," walang emosyong sagot naman ni Kennedy, na siyang ikinagulat ng lahat. Biglang nabitawan ni Serafin ang mga kubyertos niya habang nananatiling nakatitig kay Hazel. Ngunit naputol ang matinding tensyon nang biglang tumayo rin si Shield. "Excuse me, I just have to go to the restroom." Ganun din si Selenah. "Ahm... magpapahangin lang po ako sa balcony." Agad nagsialisan ang mga anak, habang naiwan sa mesa ang mga magulang—tahimik, tahimik na tila binagsakan ng langit at lupa. Samantala, imbes na pumasok sa men's restroom, pinili ni Shield na sundan si Hescikaye sa restroom ng mga babae. Pagpasok niya sa loob ay wala siyang nakitang tao sa paligid, ngunit isang cubicle ang nakasarado at sa tingin niya ay naroroon ang sadya niya. Sinadya niya ring i-lock ang pinto para sa isang planong naiisip niya upang hindi matuloy ang kanilang kasal. Sa ideyang naiisip niya, nasisiguro niyang matatakot na sa kanya ang dalaga at kasusuklaman siya. Maaari ding magdalawang-isip ang mga Villaroel sa pakikipag-alyansa sa kanilang pamilya kung sakaling malaman nila ang ginawa niya kay Hescikaye. Lumapit si Shield sa nakasaradong cubicle. Huminga siya nang malalim, bago huminto sa tapat nito. "Can we talk?" mahinang tanong niya sa dalaga. "W-What are you doing here?" sagot nito mula sa loob, at agad naramdaman ni Shield ang kaba nito sa nanginginig na boses. "Just talk about ... anything? Do you have an idea? What do you want us to talk about?" tanong naman niyang muli. Wala siyang narinig na sagot mula sa dalaga. Maya-maya'y bumukas ang pinto ng cubicle at lumabas si Hescikaye. Tumingala ito sa kanya at sinalubong ang mga mata niya. Sinuklian naman ito ni Shield ng isang mapanuring tingin, at pagkukunwaring nahahalina siya sa dalaga. "Wala tayong pag-uusapan. Umalis ka na," matapang na sagot naman ni Hescikaye bago siya nito nilampasan at nagtungo sa lababo. Binuksan nito ang isang gripo at naghugas ng mga kamay. Nang akma na itong aalis ay naging maagap si Shield. Agad niyang itinukod ang mga kamay niya sa mga gilid ng lababo at kinulong ang dalaga. Kita niya ang magkahalong gulat at takot sa anyo ni Hescikaye. "Ano ba?! Get out of my way!" sigaw nito sa kanya. Pero ngisi lang ang isinagot ni Shield. "Did you know this is exactly the kind of woman I’m attracted to?" Malagkit niyang tinitigan mula ulo hanggang paa si Hescikaye... 'Yong palaban." "Huh! Hindi. Kita. Type," matigas namang sagot ni Hescikaye. Muling napangisi si Shield. Sumagi sa isipan niya ang lahat ng mga babaeng naikama na niya, pinaglaruan at ginamitan ng dahas. Ngunit ang nakikita niya kay Hescikaye ay hindi nalalayo kay Empress. Gustuhin man niyang igalang ito, pero buo na ang desisyon niya. Gagawin niya ito upang madismaya sa kanya ang mga Villaroel, at hindi magtagumpay sa mga maiitim na plano ang kanyang ina. "Tsk. Tsk. Tsk. I’m impressed. I like the way you carry yourself. Feels like you're testing my limits," sagot niya sa dalaga kasabay nang unti-unti niyang pagyuko dito. "Umalis ka na. Hindi kita type at lalong hindi ako magpapakasal sa iyo!" muli nitong sigaw sa kanya. Agad niya itong binigyan ng matalim na tingin. Lumarawan namang muli ang takot at kaba sa anyo ni Hescikaye. "Please... u-umalis ka na." Muling ngumisi si Shield, at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang batok ni Hescikaye at nilamukos ng halik ang mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD