CHAPTER 12: Pagbisita sa Fiancée

2202 Words
THIRD PERSON POV "Kuya!" "Kuya, woi. Wake up!" Nagising bigla si Shield sa malakas na ugoy sa balikat niya at mabigat na bagay na dumagan sa likuran niya habang nakadapa siya sa kama. "Amoy alak ka na naman. Hindi mo man lang ako sinalubong sa airport kagabi. Nakakatampo ka." Nabosesan niya kaagad ang malambing na boses ng bunso niyang kapatid na si Selenah. "Hmmn..." tanging ungol lang ang isinagot niya at muli ring ipinikit ang mga mata. "Hindi na nga tayo gaanong nag-uusap noong nasa America ako, eh. I was gone for seven years. Didn’t you miss me?" "No," agad niyang tugon. Agad naman siyang nakaramdam ng malakas na hampas sa balikat niya. "Kainis ka!" Hindi na napigilan ni Shield ang tumawa. Tumihaya na siya at agad niyang niyakap ang bunsong kapatid. "Wala ka ngang pasalubong sa 'kin, eh." "Ano pang gusto mong pasalubong? Eh, lahat naman nakukuha mo na dito?" nakangusong turan ni Selenah kasabay nang pagpisil nito sa ilong niya. "Not all," mahina niyang sagot. Muli niyang naramdaman ang pamimigat ng dibdib. Huminga siya ng malalim kasabay nang pagpikit ng mga mata. Ramdam naman niya ang pagtitig sa kanya ng kapatid. "Hanggang ngayon ba naman, kuya? Siya pa rin ba?" Hindi kaagad siya nakasagot. Naramdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. "I saw her yesterday," mahina niyang sabi hanggang sa tuluyang tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Masakit pa rin. Masakit pa rin sa dibdib. "What?! Saan?! Pupuntahan ko siya! Malalagot sa 'kin ang babaeng 'yan!" agad namang sigaw ni Selenah. Bakas ang galit sa mukha. "She's dead," mahinang sagot muli ni Shield, na siyang nagpahinto kay Selenah. "What the? D-Dead? H-How, kuya?" Muling idinilat ni Shield ang mga mata niya at tumulala sa kisame ng silid. "Dead... Someone killed her. We don't know who yet. Pinira-piraso ang katawan niya at nagkalat sa karagatan." "What?!" Bumadha ang matinding gulat sa mukha ni Selenah habang nakatitig sa kapatid. Agad siyang bumangon at hinarap ang kapatid. "W-Why would they do that? Siguro may matindi siyang kasalanan! Baka naman kumabit na naman siya sa kung sinong lalaki na may asawa, at asawa no'n ang gumawa sa kanya!" "We don’t know yet," walang emosyong sagot ni Shield. Inayos niya ang pagkakatabing sa katawan niya ng kumot dahil wala siyang anumang saplot. Napahaplos naman sa mga braso si Selenah nang maramdaman niya ang pagtayo ng mga balahibo niya sa katawan. "Mukhang nakahanap na siya ng katapat niya. That's her karma, malandi kasi siya. Kung kani-kaninong lalaki siya sumasama. Ew! Her body is disgusting. So, you should forget about her, Kuya. She doesn’t deserve you! Napakaraming babae sa mundo. Marami pang mabubuti dyan sa paligid, na 'di katulad niya! Matagal na rin naman kayong hiwalay." Hindi sumagot si Shield. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Mabuti na rin nawala na siya ng tuluyan. Now, there’s nothing you can do but move on because she’ll never come back. Fix yourself now, Kuya. Magpakatino ka na. Marami pang matitinong babae, na hindi makati at lalong hindi lang yaman ang habol sa isang lalaki." Ngumiti ng bahagya si Shield habang nakatitig sa kapatid. "Welcome home," mahina niyang bati sa bunso. "You’ve gotten even more beautiful. Who picked you up?" pag-iiba niya ng usapan. Bigla na lamang sumimangot si Selenah sa huling tanong ng kuya. "We have plenty of drivers and bodyguards, so why did Daddy choose such an idiot?!" "Paanong idiot?" Mahigpit na pinigilan ni Shield ang ngiti niya. "He doesn’t know how to drive! Ilang beses na kaming kamuntik nang madisgrasya kagabi!" Tuluyan nang napangiti si Shield. "Baka ninerbyos lang dahil isang napakaganda, seksi at sikat na modelo ang ipinag-drive niya kagabi." Bigla na lamang umismid at tumirik ang mga mata ni Selenah. "Basta, ayoko na siyang maging driver! Sino ba kasing nag-hire sa kanya?!" "Mom and Dad did. He seems fine to me." "He’s not fine at driving, Kuya! Sana iba na lang." "Why do you seem so mad at him? Parang may personal kang galit sa kanya." Tinitigan ni Shield ng makahulugan ang bunsong kapatid habang nakapaskil ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Tumaas ang kilay ni Selenah, at umiwas ng tingin. "I'm not mad. I'm just annoyed." Agad na rin itong umalis ng kama. "Bumangon ka na. Ikaw na lang ang sumama sa akin sa mga gusto kong puntahan. Tigilan mo na ang kakamukmok, at paglalasing. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng luha at oras ang Stella Belmont na 'yon. Move on, kuya. Hmp!" Umirap ito sa hangin bago naglakad patungo sa pinto at tuluyan na ring lumabas. "Oh, wait." Pero muli rin itong huminto nang may maalala. Muli niyang nilingon ang kapatid. "Hindi ba ikakasal ka na sa anak ng isang businessman sa Palawan? Hescikaye Villaroel? Mommy told me the other day that I should speak with her on the phone." Hindi sumagot si Shield. Nanatili lamang itong nakatitig kay Selenah. "Mas mabuti pa siguro, Kuya, kay Hescikaye ka na lang. Mommy says she's kind and beautiful. You should get to know her, baka sa kanya tumibok bigla ang puso mo." Binigyan nito ng matamis na ngiti si Shield bago tuluyang isinara ang pinto. Napailing na lamang si Shield bago muling dumapa sa kama at ipinagpatuloy ang pagtulog. ******* Empress Binuksan ko ang pinto ng condo unit ko at bumungad sa akin ang katahimikan ng buong paligid. Hindi mabaho pero ramdam ko na ang mga naiipong alikabok dito sa loob. Nauna nang pumasok sa loob si Emery, ang bunso kong kapatid. "Wow! Medyo malaki naman pala itong unit mo, ate! Bakit iniwan mo 'to? Sayang naman." Minabuti ko na lamang siyang dalhin dito nang malaman kong mas malapit pala ito sa engineering firm kung saan siya mag-i-intern ngayong buwan. Mas makakatipid siya sa pamasahe at oras, at kahit papaano’y magkakaroon na rin ulit ng silbi ang lugar na matagal ko nang hindi tinitirhan. "Sayang din kasi ang renta dito," pagsisinungaling ko kahit hindi ko naman talaga ito pinarerentahan. "The rent here is more expensive than the apartment I'm staying in now. Plus, I'm living alone. Tamang-tama lang sa akin 'yong apartment na tinitirhan ko ngayon. Maliit lang kaya hindi ka rin pupwede doon." "Pero baka mas safe dito, ate, compared to your apartment. Saan ka ba kasi nakatira?" "Pasig. Safe naman doon. Mas malapit din kasi 'yon sa trabaho ko. May kalayuan ito." "You never said you already have your condo unit here in Makati." She dropped her bags on the sofa and started inspecting the surroundings. "Hindi ko 'to binili ng cash, okay. Hinuhulugan ko pa rin 'to hanggang ngayon." "Sakto pala 'yong pag-alis ng tenant mo dito, Ate. Parang alam niyang titira ako dito, ah!" Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at pumasok sa loob. My unit has two bedrooms, a moderate-sized kitchen, and a living room. There's also a balcony with access from my room. Ang dahilan kung bakit ako nagrenta pa ng ibang apartment ay dahil nandito sa condo ang lahat ng mga personal kong gamit—mga bagay na ayokong makita o madampian man lang ng kamay ng mga kasamahan kong agent. Sa apartment ko, halos araw-araw silang naroon. Madalas doon natutulog si Skipper, parang opisyal na boarder na nga kung ituring. Nandoon din palagi sina Aegia at Silver. Ayoko lang makita nila at magalaw nila ang mga importante kong gamit. Bukod pa doon, kung sakali man na magkaroon ng aberya sa mga misyon namin, may mga kriminal na hindi namin alam ay makakilala sa amin at maaaring sundan kami. Kung gano'n, delikado kung alam nila kung saan ako nakatira talaga. Mas mainam na hindi nila alam ang tungkol sa condo na 'to—parang backup na tahanan na para lang sa akin at sa pamilya ko. Pumasok ako sa loob ng silid na pinasukan ng kapatid ko. She was gazing out the window, taking in the view of the tall buildings outside. Inayos ko naman ang kama. "Ang ganda dito, ate! It’s perfect for me!" she exclaimed. "Ang gaganda ng mga building sa labas. Ang dami pa lang pool sa baba!" "Kaya mo ba ditong mag-isa?" tanong ko. "Of course, I can! I'm grown up now, I can take care of myself." Humarap na siyang muli sa akin. "Tch. This is the first time you'll be away from Mom and Dad. This is your first time living alone." "Matanda na 'ko, Ate. I can totally handle myself." Huminga ako ng malalim. "Well, it’s good for you to learn." Tinanggalan ko ng mga punda ang mga unan para palitan. "Pero sana mag-iingat ka. Manila is different from the province. Maraming sira-ulo dito. Nagkalat ang mga adik sa labas. I’ll give you a basic self-defense kit. You should always carry it with you, even if you’re just going to the convenience store, okay?" "Yes! I love that, Ate! You’re so cool!" Napapalakpak siya, na parang batang binigyan ng bagong laruan. Twenty-two na siya—nasa huling taon na ng Architecture. Pero kahit gano'n, sa paningin ko, isang masayahing bata pa rin siya. Hindi ko mapigilang mag-alala, kaya magiging madalas ngayon ang pagtungo ko dito sa condo para silipin siya. Tinulungan ko muna siya sa paglilinis at pag-aayos ng unit. Lahat ng kailangan niyang malaman at mga dapat niyang tandaan ay sinabi ko na. It was nine in the morning when I received a call from Magdalene's assistant. Pinapupunta raw niya ako ngayon sa studio—ipapakilala niya ako sa bunso niyang anak na si Selenah. Gusto raw ni Selenah na makita nang personal kung paano rumampa ang mga bagong modelo. Kaya nagpaalam na ako sa kapatid ko at agad na naghanda. Sa condo na rin ako nagpalit ng damit—marami naman akong naiwan doon na gamit. Hindi ko na ginamit ang kotse ko, iniwan ko na lang sa parking ng condo at sumakay ng taxi pa-studio. Ginamit ko kasi ang kotse kanina sa pagsundo sa kapatid ko sa terminal. May sarili siyang kotse sa Lucena pero baka mahirapan siya dito sa Maynila dahil sa dami ng sasakyan, kaya sinabi kong mag-commute na lang siya. "Where are you now?" I asked Skipper through my earpiece. I exited the taxi and was now at the Selenah Intimates studio. "Montgomery mansion," tipid niyang sagot. "Does that mean Selenah is still there?" "Yeah." "Okay. I'm already at the studio." Agad ko na ring pinutol ang tawag at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng gusali. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong nagtitipon-tipon na ang mga modelo. Nakihalubilo na rin ako sa kanila. Kinausap kami ng manager ng studio at nagbigay ng mga instructions. "Okay, ladies, we'll be doing a quick run-through today. Miss Selenah will be here shortly to see how you move in these new pieces," sabi niya. "Galingan niyo dahil anak ng may-ari ang nandiyan, at gusto niyang makita kung paano kayo mag-rampa. May posibilidad pa rin na hindi niya kayo magustuhan kapag may nakitang mali sa inyo." Nakita ko ang kaba sa mga anyo ng karamihan sa mga modelo. Naging kalmado naman ako dahil mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Magdalene. Agad ko siyang sinalubong. "Hello po, Ma'am Magda!" She smiled when she saw me. "Hello, Empress. How are you? Did you get a good rest last night?" Hinawakan niya ako ng marahan sa balikat. "Yes, Ma'am. Eh, gusto ko po sanang kumustahin ang naging trabaho ni Skipper kagabi sa pagsundo kay Ms. Selenah. Okay naman po ba? Wala po bang naging problema?" "There was a bit," she answered with a smile, which made me stop. "A-A bit? B-Bakit po? Ano'ng nangyari?" "My daughter complained because they almost got into an accident. According to Skipper, may sira daw ang sasakyan and the mechanic didn't check it properly. That's why there was a minor issue on the road." "Naku, pasensiya na po, Ma'am Magda. Sigurado po ako hindi 'yon sinasadya ni Skipper. Pagbigyan niyo pa po sana siya ng isa pang pagkakataon." Pinaglapat ko ang mga palad ko sa dibdib ko na parang nagdadasal. Lumapad naman ang ngiti niya. "He did apologize, and so did the mechanic. Don't worry, hindi naman talaga 'yon maiiwasan. Sana lang ay hindi na maulit pa sa susunod." "Pagsasabihan ko po si Skipper, Ma'am. Huwag po kayong mag-alala. Pero alam ko pong magaling magmaneho ng kahit anong sasakyan si Skipper, kahit eroplano pa yan, Ma'am!" Muli naman siyang ngumiti. "Marunong din ba siyang magpalipad ng helicopter?" Agad namang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Yes, Ma'am! Marunong po si Skipper! Ako na po ang nagsasabi sa inyo, magaling siya sa kahit saang sasakyan." "Alright, magtutungo kasi kami mamayang gabi sa Palawan para bisitahin ang fiancée ni Shield." Bigla naman akong napahinto sa sinabi niya, kasabay nang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi ko. "F-Fiancée po ni Sir Shield?" Narinig ko na 'yon sa usapan nila noong nakaraan lang, pero iba pala ang pakiramdam kapag sinasabi na sa akin ng harapan. Nag-iba bigla ang t***k ng puso ko. Matutuloy pala talaga ang kasal na 'yon? Hindi ba nila alam kung gaano kalupit sa babae ang anak nila? Baka saktan lang ni Shield si Hescikaye. Siguradong magiging impiyerno lang ang buhay ni Hescikaye sa piling ng anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD