Ember Montgomery NAGISING akong bigla sa tunog ng doorbell. Umayos ako nang pagkakahiga at kinapa si Devin sa tabi ko. Ngunit nagtaka ako nang hindi ko na siya mahawakan. Doon ko pa lamang idinilat ang aking mga mata. Hindi ganun kaliwanag dito sa silid dahil nakasara ang mga kurtina. Wala si Devin sa tabi ko. Wala na rin ang tunog ng doorbell. Sino naman kayang bisita niya? I glanced at the alarm clock on the bedside table—it was exactly noon. "Ember!" Bigla akong napalingon sa pinto nang marinig ko ang sigaw mula sa labas. It wasn't that loud, but it was enough for me to recognize who it was. "Ember!" "s**t," bigla akong napamura at napabalikwas. Si Kuya Sky! f**k! Siguradong hinahanap na ako sa mansyon at hindi ako nakapagpaalam kagabi sa kanila! "Ember, come out of there!" B