Ember Montgomery Nagamot ko na't lahat ang mga sugat ni Devin sa kamay ay tulog na tulog pa rin siya. Mukhang nalasing siya ng todo sa mga ininom niyang alak, na para bang may napakabigat na problema siyang pinagdadaanan. Tsk. Napahinga na lamang ako ng malalim. Tumayo na ako at itinabi na ang mga ginamit kong panggamot sa sugat niya. Ibinalik ko ito sa isang cabinet dito sa sala. Umakyat ako sa silid niya at kinuha ang kumot sa kama. Nagdala na rin ako ng isang unan at muling bumaba. Inuna kong iangat ang ulo niya—masyado siyang mabigat. Saka ko inilagay ang unan. "Hmm," umungol siya ng bahagya, at kumibot ang mga labi niya. "Ember..." Bigla naman akong natigilan nang bigkasin niya ang pangalan ko. Natawa akong bigla. "Mukhang baliw na baliw ka sa akin. Hanggang sa panaginip a