HINDI napansin ni Aulcheora ang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng isang furniture. Nahulog ito sa sahig at nabasag ang salamin na nasa harapan. Napatingin naman sa kaniya ang magkaibigang Dwight at Sere na nag-uusap sa sala. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng dalawa subalit wala siyang nakuhang matinong impormasyon bagkus ay kalokohan lamang ng mga ito. Napatayo si Sere at lumapit sa kaniya. “What happened? Are you okay?” nag-aalalang tanong nito at nagawi ang tingin sa basag na picture frame sa sahig. Kumunot ang noo ni Sere at dali-dali itong pinulot. “Oh, you accidentally hit this frame?” Tumingin ito kay Aul habang nananatiling nakaluhod sa sahig at hawak-hawak ang larawan. “O-oo, pasensiya na, Sere, hindi ko napansin.” Yumuko siya upang hindi makita ng lalaki ang pagkapahi