PINUNASAN ni Hades ang kaniyang mga matang puno ng luha at ang kaniyang namumulang pisngi, maging ang dulo ng kaniyang dugo. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi matigil sa paghikbi. Iniangat niya ang palad na puno ng dugo ng lalaking kaniyang gusto. Yes she did it, she did it in order to save a friend’s life. Inutusan siya ng tusong ama na kitilan ng buhay si Seki kapalit ang buhay ng kaniyang kaibigan at tapat na tauhang si Reiley. Kinuha ito ng kaniyang ama at ginawang bihag, kapalit ng pagkitil sa buhay ng lalaki. Sunod-sunod siyang humikbi habang ang mga luha ay pumapatak. “Ahh!” Ibinato niya sa kung saan ang hawak na kutsilyo at siyang ginamit niya upang saksakin ang lalaki. Diring-diri siya sa sarili at talagang takot na takot. Kasabay ng panginginig ng katawan ay ang p