MAGKSAMA si Dwight at Zeus sa ginagawang pagmamasid sa mag-asawang Devaez, subalit ilang oras na silang nasa labas ng Seven Dwarf at hindi pa lumalabas ang mag-asawang kanilang pakay ngayong araw. Tila yata wala ang mga ito sa loob ng gusali. Dahil sa pagkabagot ay napaisip si Dwight sa kung anong maari nilang pag-usapan ni Zues. “How much do you love her?” he asked pertaining Daphnise, whom Zeus truly loved. Ito ang unang tanong na puumasok sa isip niya dahil may kung sino siyang naalala, at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin ngayon, ngayong huminto na ang kaguluhang nagaganap. Nagtaka naman si Zeus sa kaniyang naging tanong subalit kaagad ding naintindihan. Napangiti ito nang maalala ang babae. “It’s uncountable,” tugon nito, “If I will see her today, I would never let her go away