NAIWAN sa recreation room ang magkakaibigang sina Seki, Dwight, Zeus at Sere. Sinimulan na nilang ligpitin ang kanilang mga gamit na ikinalat sa loob ng silid, nagtulungan silang apat sa pagbabalik ng mga ito sa tamang lagayan. Nasa ganoon silang gawain nang diretsong tumayo si Dwight at ibinagsak sa sahig ang hawak na mga baraha. “Guys,” tawag niya sa kanilang mga kaibigan, nagtatakang huminto naman ang tatlong lalaki sa ginagawa. “Bakit?” Seki asked him confused, he stared at him, waiting for his answer. Ganoon din si Sere at Zeus, nagtataka silang tumingin sa kaniya. “What’s the matter?” tanong ni Sere at nagpatuloy sa pagliligpit, samantalang si Zeus ay isa-isang binalik ang cusion sa couch. “I want to confess my feelings about Coco.” Napakamot siya sa kaniyang batok. Nahihiya man