ALYSSA "So kamusta naman yung puso mo ngayon Phenom?" nakangiting tanong sa akin ni Kiefer habang naghihintay kaming matapos yung taping namin. Sa ngayon kasi, may show kami ni Kief, yung Phenoms and kaming dalawa yung pinagloloveteam. Yung iba nga, ang akala kaming dalawa na. Papa'no ba naman, kaming dalawa yung laging magkasama. Tapos yung isang interview pa sa'min ni Tito Boy non, sinabi nya na nililigawan nya ulit ako. Kaya yun, umingay na naman yung Kiefly. Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot. "Ayun okay pa rin naman sya, na kay Dennise pa rin kaya hindi ko pwedeng ibigay sa'yo." sagot ko sa kanya. Umarte naman sya na parang nasasaktan. "Aray ko naman. Ano ba yan, wala na nga kayong dalawa, talo pa rin ako kay Princess Libero." reklamo nya. "Wag kang umarte dyan. Di bagay