ALYSSA "Ayan. Hihiwalayan mo at sasabihing mas okay na bestfriends na lang kayo tapos masasaktan ka kapag nakikita mo syang masaya na ngayon kay LA?" bigla ko namang nilogout yung IG ko nung marinig yung boses ni Pots. Hay, nahuli na naman nya ako na inistalk si Dennise. And yeah, wala na kaming dalawa. May mga dahilan ako pero hindi nya yun pinakinggan nung nag-usap kami kaya napagdesisyunan namin na mas okay na maging magkaibigan na lang muna kami. Tulad noon, para walang komplikasyon. Pero hindi ko naman maitatago kay Pots na hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin si Dennise. Wala naman yatang ibang kayang mahalin yung puso ko kundi sya lang eh. Kaso wala ng pag-asa, nakamove on na sya at may mahal ng iba. Masakit kasi parang ang bilis naman pero wala na naman akong magagawa diba?