ALYSSA "So, eto pala yung pinagkakaabalahan mo nung mga panahong tinatakasan mo ako." nakangiting sabi sa'kin ng girlfriend ko. Kumakain kami ngayon kasama ng mga friends namin. Kakatapos ko lang syang ipakilala bilang girlfriend ko sa lahat ng tao dito kaya eto, kita ko yung saya sa mga mata nya. Sulit na sulit yung pagod ko nitong mga nakaraang araw. Bukod kasi sa tanggap kami ng lahat ng tao dito, napasaya ko pa si Denden ko. "Huy Alyssa Valdez! I know na masyado akong maganda ngayon pero hindi mo kailangang titigan ako buong gabi. Ikaw din, matunaw ako nyan." sabay kindat pa sa akin. "Ugh!" si Ella yan. "Ate Els, hayaan mo na si Ate Den, gabi nila 'to. Isang gabi lang naman tayong papayag na maganda sya." sabi naman dito ni Jirah. Kunwaring binulong pa pero pinarinig din naman s