ALYSSA "At saan mo na naman balak pumunta ha, Alyssa Valdez?! Aalis ka na naman ng walang paalam?! Aba parang wala kang girlfriend sa inaasta mo ah!" bigla akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko bigla yung boses nya. Tumingin lang ako sa kanya. Wala kasi akong maisip na sasabihin eh. "Ano? Bakit hindi ka magsalita dyan? Sino na namang kasama mo?!" sabi pa nya. Jusme, bakit ang daldal nya? Pwede namang magtanong ng maayos diba? "Uh Love, ano kasi--" "O tapos nag-iisip ka na naman ng palusot? Magsisinungaling ka na naman? Aba Alyssa Valdez, tatlong araw mo ng ginagawa sa'kin 'to. Magigising na lang ako na wala ka na sa kwarto tapos nakakatulog na ako't lahat, wala ka pa rin! Umamin ka nga! May babae ka no?!" nakapamewang pa nyang paratang sa akin. "W-wala no! Bakit naman ako mam