DEN "Besh, ano daw bang sabi? Anong oras ka daw ba magsstart tumula?" narinig kong tanong ni Ella kaya agad ko syang sinamaan ng tingin. "Tula ba Ate Den? Akala ko harana? Tula na ba yung pinanghaharana ngayon?" takang tanong naman ni Jirah. Isa pa 'tong batang 'to. Pasalamat sya kailangan ko sya dito ha! And yes, bago kayo magtanong, sasabihin ko na sa inyo na nandito nga kami sa bahay nila Alyssa. Narinig ko kasi kanina yung usapan ni Ella and Ly and nalaman ko nga na sasabihin na nya sa parents nya yung tungkol sa'ming dalawa at syempre, hindi naman ako papayag na mag-isa sya ngayon. Dapat dalawa kaming haharap sa family nya. So yun nga, pinilit ko si Ella and Jirah na samahan ako dito ngayon dahil may naisip akong gawin para kay Alyssa ko. Hindi naman kasi pwedeng sya lang yung s