ALYSSA "Sure ka na dyan Ly?" seryosong tanong sa akin ni Pots. Sa kanya ko pa lang kasi sinasabi yung plano kong sabihin na kila Nanay at Tatay tungkol sa amin ni Dennise. Ayoko rin namang itago sa kanila yung totoo. Sabi nga ng iba, mas maganda na sa'yo malaman yung totoo, kesa marinig sa iba. Kapag sa iba na kasi galing, may dagdag na yon. Mas lalo lang silang magagalit. "Sure na sure na Pots. Mamaya pag-uwi ko, aaminin ko na sa kanila yung tungkol sa amin ni Denden." determinadong sabi ko. Nakangiti naman syang tumango sa akin. "Good. Akala ko kasi plano mong itago yang relasyon nyong dalawa sa iba eh. Kaya nagulat talaga ako dun sa ginawa mong 'proposal' kay Besh sa BEG. At sobrang proud ako sa'yo dahil sa ginawa mong yon." sabi pa nya. "Mahal na mahal ko si Dennise Pots. Kaya g