AUBREY Sa wakas nakauwi na rin kami ni Dexon dito sa bahay. Laking pasasalamat ko na ligtas kaming lahat at walang namatay maliban sa ilang nasugatan at nasaktan. Natawa ang asawa ko ng malaman na naka-bulletproof vest pa pala si Kuya Addie kasi ayaw daw niyang umuwing patay at siguradong ipagpapalit daw agad siya ni Rose kay Rex at siya na ang kikilalanin na ama ng anak nila kaya paranoid naman tuloy ang isang 'yon, dahil sa mga pinagsasabi ng pasaway na kaibigan ko, porke't alam niyang mahal na siya ng asawa niya. Loko talaga ang babaeng 'yon, kakaiba ang takbo ng utak. Kaya pala si Kuya Addie nagtago sa likod ng puno kasi may banta ang kaibigan ko oras na tamaan ng bala at umuwing sugatan sa kanila. Bukod sa hindi nga naman siya p'wedeng mamatay, hindi rin daw ako p'wedeng masaktan