AUBREY Three weeks na ang nakaraan after ng kaguluhan na ginawa ni Diane pero mukhang nakatunog raw si General Fernandez kaya nakapagtago na naman. Hanggang ngayon, hindi kami kampante pero malaking bagay ang ginawang paglutang ni Diane sa publiko at sinabing anak siya ni General Fernandez at sinabi kung ano ang binabalak ng magaling na tatay niya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Kung loyalty kasi ang pag-uusapan, syempre kakampi si Diane sa tatay niya pero dahil mautak si Kuya Declan at ang ace's, nagamit nila ang gahaman na babaeng iyon para sirain ang maganda at mabangong pangalan ng demonyong ama niya sa national television na siguradong maraming nakapanood lalo na at nagkalat rin ang balitang iyon sa social media. Napalingon ako sa bumukas na pintuan. Dumating na pala ang