DEXON Sa ilang oras na pamamalagi ko sa basement, kasama ang mga kaalyado at kasosyo sa negosyo nang Pablo na tinatawag nila at nagpapanggap na Senator Mayer ay nakakuha ako ng maraming ebidensya laban sa kanila. Ito lamang ang hinihintay ni Madrigal para sentensyahan si Manuel Hipolito na ginagamit ang malanding anak para masilo siya kaya lang, malas nito dahil nagkagusto si Declan kay Liegh at nauwi sa kasalan ang dalawa matapos mabaliw sa reporter na iyon ang kaibigan ko. Halos magdamag na nagpakasasa ang grupo ni General Fernandez. Nagkunwari akong umiinom, pero palihim na itinapon ko ang alak para hindi malasing. Kunwari ay nanginig ang kamay na bumagsak sa sahig ang basong hawak ko, kaya nabasag at mabilis na pinalinis ko para hindi sila makakuha ng DNA sample na p'wede gamitin