AUBREY Nahihilo at kumikirot ang sintido na nagising ako. Nagtaka ako kung bakit dito sa k'wartong iniiwasan ko, ako nagising gayong sa pagkakatanda ko ay nasa beach house kami ni Dexon at natulog sa silid na tinutuluyan namin doon pero heto, ito ang sumalubong sa mga mata ko dahil sa mismong kama sa room niya dito sa malaking bahay sa Maynila na ako muling nagkaroon ng malay. Dahan-dahang bumangon ako at inat-inat na sinuyod ng paningin ang buong silid. Tahimik ngayon, walang bakas na narito si Dexon. Mukhang wala akong kasama dahil nakakabinging katahimikan lamang ang nararamdaman ko. Baka pumasok na sa trabaho si Dexon o kaya nasa library niya. Mabuti na rin iyon para hindi muna kami magkita. Kahit paano ay magawa kong mag-isip at mag-adjust ngayong asawa ko na siya dahil nalilito a