AUBREY "Tinatanong kita, Dexon!" Hindi ko napigilang singhal sa kanya habang mahigpit na hawak ng kamay ko ang cellphone na nakadikit sa kaliwang tenga ko. "Gustong-gusto ko kapag ganitong nagseselos ka, wife," mukha pang masayang sabi ni Dexon na akala mo ay natutuwa pang kumukulo ang dugo ko sa inis pero may gana pa siyang matuwa. "Huwag mong baguhin ang usapan," pikon na sabi ko dahil ang yabang niya sa part na nag-practice siya. "Binibiro lang kita, sweetie. Huwag ka nang magselos, I love you," malambing na sagot ni Dexon kaya napa-buntong-hininga na lang ako. "Siguraduhin mo lang na wala akong mahuhuling babae mo, Dexon, kasi lagot ka talaga sa akin!" banta ko sa kanya pero ang loko, natawa pa. "Wala kang makikitang ibang babae, kasi ikaw lang naman ang mahal ko," walang gatol n