AUBREY Sabay nga kaming umuwi ni Dexon, hindi ko na rin nakita ang secretary niya ng lumabas kami na mukhang nauna nang uwi dahil wala na ito sa table niya ng dumaan kami ng asawa ko kanina. Sakay ng sasakyan ni Dexon at siya ang nagmamaneho na tinanong ako nito kung gusto kong mag-dinner kami sa labas pero pinili kong sa bahay na lang. Ewan, tinatamad kasi akong mag-stay pa sa labas siguro kasi gabi na at medyo masakit ang ulo kanina dahil mainit ang panahon ng pumunta ako sa opisina niya. After dinner, nagpaalam agad akong gusto kong umakyat sa taas. Ewan, bigla akong nakaramdam ng pagod at panghihina, tapos simula kanina ay tinatamad talaga ako kaya sobrang boring nang pakiramdam ko maghapon. Siguro kasi napagod ako kagabi ng husto. Hindi na naman kasi ako tinigilan ni Dexon dah