AUBREY Tumawag si Ate Liegh at sinabing malapit na raw siya. Handa na rin naman ako kanina pa kaya ngayon, heto at hinihintay ko na lang si Rose na may pagka-makupad kung kumilos. Baka kasi hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ni Kuya Addie dahil ayaw niyang palabasin si Rose ng hindi siya kasama kaya ang resulta, bodyguard na naman namin ang lalaking iyon mamaya. Akala mo naman sobrang in love sa kaibigan ko na ayaw niyang mawala sa paningin niya sa takot marahil na baka takasan at pag-taguan ulit ni Rose lalo na at alam niyang may tampo pa ito sa kanya. Wala si Dexon, as usual, maaga siyang pumasok sa opisina pero napag-usapan namin na kung sakaling matapos siya ng maaga, pupunta siya at susundin ako o kaya naman, ako ang pupunta sa office niya just in case na hindi siya makapunta