AUBREY "Malaki ang kutob ko na hindi basta hawak lang ni General Fernandez si Diane, Ate Amara. Remember, noong araw na itinakas ninyo ako, tanda ko pa kung ano ang mga pinagsasabi niya tungkol sa asawa ko. Siya rin ang nagpadala sa akin ng mga fake pictures galing sa misyon ni Dexon para magalit ako sa kanya," seryosong paliwanag ko. "I know, kaya ka nga namin itinakas kasi nakakita ako ng red dot sa ulo mo. That night, Aubrey, you were the target of an assassination attempt and I know na may kinalaman si Diane doon," sagot ni Ate Amara. "Ha? Paano mo po nalaman, Ate Amara?" gulat at curious na tanong ko. Mukhang maraming alam kasi si Ate Amara. Para siyang buhay na google na kapag tinanong ko tungkol sa organisasyon ay alam niyang lahat. Matalino siya at dedicated sa trabaho. Seryos