AUBREY Kasama si Rose ay pumunta kami sa mall. Syempre, hindi nagpa-iwan ang asawa ko at gano'n rin si Kuya Addie na bantay sarado lagi ang buntis at kunwari ay nagtatampong kaibigan ko pero deep inside, kinikilig naman kaya lihim na natatawa ako kapag umiirap siya. "Ay, tingnan mo, bessy. Ang pogi naman niya, parang Korean artist, Aubrey," kalabit at sabi sa akin ni Rose habang nasa escalator kami paakyat sa third floor ng mall at tinitingnan ang kasalubong na pababang lalaki. Tiningnan ko ang itinuro niyang lalaki. Parang Korean nga, pero hindi na siya g'wapo at cute sa paningin ko, hindi gaya noon na masyadong appealing ang tulad niya sa mga mata ko. Nag-iba na talaga kasi ang perception ko simula ng ikasal kami ni Dexon at natutunan kong mahalin ang asawa ko. "Pero mas g'wapo sa ka