AUBREY Naiwan ako dito sa bahay sa tuwing papasok sa opisina niya si Dexon. Malimit ang tamad kong gumising sa umaga pero sinisikap kong bumangon, kasi gusto kong ihahatid siya sa driveway gaya ng nakasanayan ko tuwing umaga. "Take care, okay?" malambing na sabi ng asawa ko bago niya buksan ang pintuan ng sasakyan. "Oo naman, wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay kung 'di ang kumain at matulog," sagot ko na bahagya siyang itinulak kasi dumating ang mga tauhan niya. "Alright, see you later, sweetie. Maaga akong uuwi," pabulong na sabi ng asawa ko bago ako magaan na hinalikan sa labi. Namumula ang pisngi na ngumiti ako sa kanya ng ibaba niya ang salamin at kumaway sa akin bago pinaandar ang sasakyan para pumasok sa trabaho. Pumasok ako sa bahay at muling binalikan ang cellph