AUBREY "Bakit ako ang tinatanong mo? Baka p'wedeng si Aubrey ang tanungin natin. Siya lang naman makakasagot n'yan," sabi ni Kuya Declan na alam kong pinagmamasdan ako. "Oo nga, Aubrey, paano ka natutong humawak ng patalim?" tanong ni Kuya Alexander. "Laking Tondo ako, maraming palengke sa amin kaya nakakakita ako hg mga kinakatay na baboy," kibit-balikat na sagot ko. Hindi ko alam kung kapani-paniwala ang sagot ko, pero ito lang ang naisip kong idahilan sa kanila ngayon. Baka kasi kapag nalaman ni Dexon kung paano ako nag-training, pagbawalan niya akong makipagkita kina Ate Liegh, lalo na kina Ate Amara at Ate Samantha na mainit sa paningin ng asawa ko. "Aba, matindi 'to, lagot ka talaga pala kay Aubrey kapag nagpa-loko-loko ka, lalo na at ginagapang mo siya sa gabi, Miller," naka-n