AUBREY Tuwang-tuwa ako sa anak ni Rose at inaanak ko dahil wala ng ibang ginawa ang batang iyon, kung 'di ang dumede at matulog sa loob ng isang buwan, simula ng ipanganak niya ito. Hindi siya iyakin at bata pa lang, seryoso na agad sa buhay. Bihira kung ngumiti kaya natatawa kami ni Rose kasi ang lakas daw kasi ng dugo ng supladong si Kuya Addie. Excited na rin akong manganganak. Ready na ang mga gamit na dadalhin ko sa hospital in case na bigla silang lumabas dahil natuto na ako sa naging experience ko noon nang dalhin ko si Rose sa ospital. "Are you okay, sweetie?" malambing na tanong ni Dexon na niyakap ako mula sa likuran ko habang nakatayo ako dito sa veranda at nakatanaw sa madilim na kapaligiran. "Oo, gusto kong dalawin sa puntod nila sina mama bukas. P'wede ba, hubby?" tan