AUBREY Kausap ni Mommy Caroline si Dexon nang abutan ko sila sa nursery room. Tulog pa rin ang mga anak namin lalo na at may makapal na kumot na nakabalot sa kanilang apat at hindi man lang nagising kahit may mga kasama sila dahil na rin siguro sa relaxing na nursery rhymes na mahinang naka-play, dito sa silid nila. Lumapit ako sa kanila at na upo sa tabi ng asawa ko. "Ang tagal mo namang maligo, Aubrey. Akala ko ipaghanda mo lang ng damit ang asawa mo?" bungad na tanong ni Mommy Caroline sa akin. "Amoy gatas po kasi ako mommy kaya naligo muna ako," dahilan ko at lihim na nanalangin na sana hindi na siya magtanong pa dahil ayaw ko namang magsinungaling sa kanya. "B'weno, uuwi na ako. Nasa ibaba na ang Daddy Cal mo at sinusundo na naman ako," paalam nito kaya ngumiti ako. "Sa susunod,