AUBREY Kasama si Kuya Addie, dinala namin sa hospital si baby JC. Sobrang nag-aalala na ako sa kondisyon niya dahil kahit ilang ulit ko siyang sinubukan na gisingin ay hindi talaga siya magising. Mabuti na lang at humihinga pa siya dahil kung hindi, baka lalo lamang akong nataranta sa mga oras na ito. Kalong ko ang bata habang mabilis na nagmamaneho ang driver na kasama namin habang nakaupo ako dito sa backseat ag nasa harap na upuan sa front seat umupo si Kuya Addie. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan ko si Ate Camilla para ipaalam ang kondisyon ng anak niya. Ilang ulit na nag-riring ang number niya pero hindi siya sumasagot kaya nakadagdag lamang ito sa kabang nararamdaman ko. "Yeah, Dexon. Yes, papunta kami ni Aubrey sa hospital ngayon kasama ang anak ni Laxamana." Narinig ko