AUBREY Malakas na kumakabog ang dibdib ko at halos maghabol ako ng hininga habang nakaupo sa loob ng isang private and high-end restaurant, kung saan kami nagkita ng tunay kong ama. Kaharap ko na ngayon ang taong kahit kailan ay hindi ko inaasahan na nag-eexist pala sa buhay ko. Dalawang linggo ko rin na pinag-isipan kung makikipagkita ba ako sa kanya, gaya ng gusto niyang mangyari at sinabi ni Kuya Alexander. Tahimik at walang kibo na nakaupo ako habang hawak ng kanang kamay ang baso ng tubig dahil kanina pa nakatitig sa akin si Ruslan Kazimir. Para bang katulad ko, hindi siya makapaniwala na anak niya ako. Ilang minuto na kaming ganito. Naupo lang siya sa harap ko, matapos akong tanungin kung ako si Aubrey, kahit sigurado naman si Mr. Kazimir, dahil aware naman siya sa mukha ko. "I