AUBREY "Bakit parang namumutla ka, Dexon?" kunot ang noo na tanong ko sa tahimik at nakatayong asawa ko na hindi inaalis ang mga mata sa hawak nito. Mukha naman siyang masaya kanina at natutuwa nang makita ang result ng hawak kong pregnancy strip. Nagtataka lang ako dahil nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya matapos makita ang dalawang pulang guhit, pero hindi nagtagal, nawala ang ngiti sa labi ni Dexon at ngayon ay tulalang nakatitig sa akin. "Dexon?" kunot ang noo na tawag ko sa asawa ko. "Ha?" tila wala sa sariling tanong sa akin ng asawa ko. "Hindi ka ba masayang malaman na buntis ulit ako?" nag-aakusa ang mga mata na tanong ko sa asawa ko. "No, of course, masaya ako, sweetie," napalunok na sagot ni Dexon. Pinagmamasdan ko siya. Alam kong may mali sa kanya, lalo na at parang h