AUBREY Sabay kaming napalingon sa kanya at nagkatinginan kasi hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig ni Dexon sa usapan namin na narito pala. "Kanina ka pa, kailan ka dumating?" napalunok na tanong ko. "Kadarating ko lang," sagot ni Dexon na ngumiti sa akin. Sa sulok ng mga mata ko, nakita kong humakbang palayo sa amin si Ate Amara ng lumapit si Dexon sa akin at niyakap ako. Mabuti na lang at nakalayo na siya para hindi na tanungin nitong asawa ko na ramdam ko ang pagdududa kay Ate Amara ng tingnan nito. "I miss you, wife," malambing na bulong nito habang nakasubsob ako sa dibdib niya saka lumapat sa noo ko ang labi niya. Nakapikit na huminga ako ng malalim habang yakap siya ng mahigpit. Calming kasi sa pakiramdam ko ang naamoy kong amoy ng asawa ko na alam kong hinahanap-han