AUBREY Tahimik na naka-upo ako sa loob ng sasakyan habang mabilis na nagmamaneho si Dexon at tinatahak ang daan pauwi sa kanyang bahay sa Maynila. Wala siyang kibo, habang seryoso lamang na nakatitig sa kalsada at mabilis ang patakbo sa mamahalin at magarang itim na kotseng minamaneho niya. Ilang oras rin ang byahe mula sa hacienda ni Kuya Declan Rizal hanggang dito sa malaking bahay ni Dexon sa Forbes Park. Pinagmasdan ko ang bawat nadaanan namin kanina papunta rito, pati na rin ang harap ng bahay niya na hindi ko makakalimutan dahil sa ilang buwan rin akong nakatira noon dito. Mabilis na bumukas ang mataas at malapad na gate, gamit ang remote control na nakita kong hawak ni Dexon at pumasok ang sasakyan niya. Agad sumaludo ang ang mga tauhan ng lalaking kasama ko ng makita ang sasakya