AUBREY Kahit masakit ang buong katawan ko, lalo na ang balakang at pakiramdam ko ay napupunit ang kalamnan sa pagitan ng nanginginig na mga hita ay pinili ko ang tumayo. Masama at nakamamatay ang tingin na tinalikuran ko si Dexon na hindi magawang lumapit sa akin dahil umatras ako ng subukan niyang humakbang palapit sa akin. Ang sama niya, nagawa niya akong lokohin para pakasalan siya. Napaka-sinungaling niya! Halos pinapatay ko siya sa isipan ko dahil pakiramdam ko ang tanga-tanga ko dahil walang kahirap-hirap na nabilog niya ang ulo ko at napa-paniwala sa kasinungalingan niya. Masama ang loob na pumasok ako sa banyo at nanghihina na pasalampak na naupo sa naka-saradong pintuan. Kung kanina, kahit paano ay tanggap ko na ang kasal kami at willing naman akong bigyan ng chance ang mar