AUBREY Nauna nang umuwi sina Kuya Declan dahil may iba umanong siyang appointment kaya maagang nag-paalam sa amin si Ate Liegh. Almost five o'clock nang kami naman ang nagpaalam kina Ate Camilla na uuwi na, kasi ayaw kong sumakay ng chopper na malalim na ang gabi. Kahit naman kasi alam kong magaling na pilot si Dexon ay iba pa rin ang pakiramdam na maliwanag pa at nakikita ko ang paligid kapag nasa himpapawid kaya, nababawasan ang takot at kabang nararamdaman ko dahil na rin sa mga balita tungkol sa iba't ibang plane crashed. Gaya kahapon, pagpunta namin sa isla ay si Dexon ang nagkabit ng seatbelt ko, maging ng headphone sa ulo at tenga. After niyang masiguro na okay at safe na ako ay agad niyang pinalipad ang chopper kaya bumalik na naman ang malakas na kaba dulot ng pag-angat ng sina